Saka teka nga! Di ba pinapatulog na kami ng maaga dahil may activity pa daw kami bukas? Bakit nandito pa kami sa labas?

'Kasi nga nasa iisang tent lang kayo matutulog at ayaw mo matulog kasi alam mong hindi ka din makakatulog dahil katabi mo yung pinaka mayabang slash school hearththrob slash ex-tag boyfriend mo na real boyfriend mo na ngayon.' sagot nung boses sa utak ko.

Sabagay may point sya. Pero ang lamig kasi dito sa labas eh! Walang silbi yung init ng bonfire.

Wala sa loob na bigla kong niyakap ang sarili ko saka ko kiniskis yung dalawang kamay ko sa braso ko dahil sa lamig.

Mamaya hindi na ako magugulat kung bigla na lang magbubuga ng putik usok yung bibig ko sa sobrang lamig dito sa Baguio.

"Halika nga dito!"

Bago ko pa mabaling yung ulo ko sa direksyon ni Kaizer, bigla na lang nya inakbay sa akin yung isang braso nya.

Tapos ang mga sumunod na eksena ay in slow motion na. Alam mo iyon? Yung mga makikita mo sa Japanese at Korean telenobela? Yung biglang slow motion yung paligid nung dalawang bida kapag gusto ng director ng palabas na iyon na ipanamnam sa mga manunuod yung kilig moment? Ganoon ang pakiramdam ko ngayon.

Nakaakbay yung isang kamay ni Kaizer sa balikat ko habang yung isa naman nakasuporta sa ulo ko saka nya dahan-dahang inalalayan yung ulo ko para makasandal iyon sa balikat nya.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya sabay ng pamumula ng pisngi ko.

Okay, alam ko na medyo nagiging O.A na ako sa reaksyon ko at sa slow motion part.

Pero ganito talaga siguro kapag in love ka. Nagiging O.A ka sa mga bagay-bagay.

Nang makasandal na ang ulo ko sa balikat nya, dahan-dahan na nyang binaba yung kamay nyang nakasuporta sa ulo ko saka iyon binaba sa may gilid nya.

Ilang minuto din yata ako nanigas sa posisyon namin. Hindi ko lang sure kung nanigas ba ako dahil sa gulat at kilig o dahil lang sa lamig. Pero kahit ano pang rason ko, hindi ko maiwasang mapangiti ng palihim sa ginawa ni Kaizer para sa akin.

Okay. Masama ang love sa kalusugan ng tao. Nagiging baliw ang babaeng in love. Bigla-bigla na lang nangingiti sa napakababaw na dahilan.

Nung matauhan na ako kung gaano nakakailang yung posisyon namin, iaangat ko na sana yung ulo ko mula sa pagkakasandig noon sa balikat nya.

Kaya lang, nagulat ako ng maramdaman kong isinandal din ni Kaizer ang ulo nya sa ulo ko.

Hindi na lang ako nagsalita. Hindi na lang ako gumalaw. Hinayaan ko na lang sya sa gusto nyang gawin.

Hinayaan ko na lang ang mga sarili namin na nasa ganoong posisyon.

Hindi ako sigurado pero may pakiramdam ako na nakatingin din si Kaizer sa apoy na nasa harap namin gaya ng ginagawa ko habang akbay-akbay pa din ako.

At hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ako naiilang sa pagkakapatong ng kamay ni Kaizer sa balikat ko. Isa na naman siguro ito sa masasamang sensyales ng mga taong na-iin love.

"Ngayong totoong girlfriend na kita, asahan mo na na madaming darating na pagsubok sa atin, Sitti."

Naramdaman kong nakatingin na sa akin si Kaizer kaya umayos na ako ng upo mula sa pagkakasandal ng ulo ko sa kanya saka sya hinarap.

"Alam ko na madaming lalapit sa'yo para awayin ka, siraan ka, sabihan ka ng kung ano-ano dahil sa girlfriend na kita. Alam mo na naman siguro iyon dahil ginawa na nila sa'yo iyon noon di ba? Nung mga panahon na niloloko pa natin sila?"

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon