Chapter 28

7.1K 152 19
                                    

A/N: Is this a sign that I'll be back for a long updates (subukan niyong sabihin na short update 'to. makakatikim talaga kayo sa akin. joke.) Well, I don't know. Sinipag lang ako at starting na din kasi ng mga magagandang part. (For me. ewan ko lang para sa inyo.) Hahaha. Ü

Time check: 1 AM. sinong gising pa dyan? Hahaha! ü

Enjoy reading. Ü

***

Nadine's POV


I'm here at my walk in closet. Packing my things for tomorrow. Excited na talaga ako. Matagal ko na kasing pangarap na makapagbakasyon sa Paris. I'm so thankful to my Dad na tinupad niya iyon. But I'm still kinda upset dahil hindi makakasama si James. Pero okay lang, I know that there will be a time, that me and James will travel together. That's one of my dreams.


"Ate pakisara na itong luggage ko. Tapos na yan." Tumango lang si Ate Marie.


Tinignan ko ang wall clock. 10 AM. Nasaan na kaya si James? Pupunta daw kasi siya dito.


"Kamusta naman kayo ni James?" Out of no where na tanong ni Ate Marie. Umupo ako sa sahig habang siya naman ay busy sa pag-aayos ng kwarto ko.


"Okay naman kami Ate." Ngumiti naman siya sa sinabi ko. "'Mabuti naman kung ganun. Basta kung may problema kayo ni James, Pwede kang humingi ng advice sa akin. Alam mo naman na magaling ako pagdating sa mga ganyan." I rolled my eyes. "Ganyan kasi basta single, magaling mag-advice."


Hinampas naman niya ako sa braso habang tumatawa. "Ikaw talaga bata ka." Binelatan ko lang siya.


"Ma'am nasa baba na po si Sir James." I just nodded at the maid at bumaba na.


I'm so excited to see him. Ganito talaga siguro ang epekto pag nagmamahal ka. Kahit isang minuto lang siyang wala sa paningin mo, namimiss at hinahanap mo na agad.


Napangiti ako ng makita ko si James na may hawak na bouquet of Red Roses. "Thank you." Aakto na sana ako na kukunin ang bouquet of Red Roses flowers sa mga kamay niya ng ilayo niya ito sa akin. Ano nanaman kaya itong trip ni James?


"Bakit mo nilalayo sa akin yang flowers?" I pouted. Para sa akin ba talaga yan? O baka naman para kay Keziah. Shocks Nadine! bakit mo ba iniisip yun. Okay na kayo, okay?


Erase. Erase. Erase.


He pout. "Nauna mo pa kasing napansin ang flowers na ito kesa boyfriend mo." I laughed. Si babe talaga. "Pati flowers na lang pagseselosan mo pa." Hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi at hinalikan siya sa noo.


Bigla siyang natawa sa ginawa ko. "Bakit sa forehead? Pwede bang dito na lang?" Ngumuso siya.


Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Nakakagigil. "Ayoko nga!" I crossed my arms and look away. Hindi naman talaga sa ayaw ko. Gusto ko lang kasing malaman ang reaction ni James.


"Ah okay. Sayang naman itong flowers. Ang ganda pa naman. Kanino ko nalang kaya ito ibibigay? Kay mama? Kay Cassey? Pwede din kay Keziah.." What?!?!?!?! Bigla akong tumingin sa kanya at binigyan siya ng pamatay na titig.

She's The One [JaDine] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon