Chapter 42

307 13 2
                                    

Nadine's POV

Patuloy akong naglakad without looking at my back habang si James naman ay patuloy na sinusundan ako. Madami akong gustong tanungin sa kanya pero nauunahan ako ng pangamba at takot sa mga bagay na pwede kong marinig.

Gustong gusto ko siyang kausapin, pero hindi ko pa kaya sa ngayon. Maybe someday, but not now.

"Nadine, mag usap naman tayo. Gusto ko lang sana magpaliwanag." I took a deep breath bago tumalikod para harapin siya.

"Ano ba yung gusto mong pag usapan? Nagmamadali kasi ako dahil madami pa akong gagawin." Pagdadahilan ko kahit yung totoo wala naman talaga except sa pagbisita namin ni Cheska kay Charee.

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan yung kamay ko. Anong ginagawa niya?

"I miss you." Umiwas ako ng tingin. Ramdam ko yung pamumula ng mga pisngi ko sa sinabi niya.

Miss na rin kita James.

Pero ayokong mag jump into conclusion without still knowing anything. At isa pa, ang alam ko girlfriend siya ni Keziah at hindi pa naman ako sigurado kung sino yung lalakeng nakita ko kanina sa buhay ni Keziah. What if kung kaibigan lang talaga ni Keziah yung guy tapos si James parin talaga yung mahal niya? Ayoko na makisali sa love story nila. Pagod na akong makipagtalo sa babaeng war freak na yun.

Gusto ko sanang sabihin yung nakita ko kanina kay James pero ayoko naman din mag step out about doon dahil baka magmukha pa akong masama, baka lumabas pa akong desperadang babae.

"Hindi mo ba ako namimiss?" Mas lalo namula yung mga pisngi ko sa sinabi niya. Hawak hawak niya pa rin yung kamay ko at hindi pa rin ako makatingin sa mga mata niya. How do he have the guts to tell these things to me? Nakalimutan na ba niya yung mga ginawa niya? Atsaka bakit niya 'to sinasabi sa akin?

"H-hindi ah. Bakit naman kita mamimiss?" Pag aangal ko sabay tingin sa kanya. Umiwas ulit ako ng tingin dahil nakakailang talaga. Oo miss na kita, James. Yan ang gustong isigaw ng isip ko, pero ayokong pangunahan ang lahat. I need to save something from myself dahil natatakot ako sa posibilidad na mangyari. Baka saktan at iwan niya ulit ako...

"Ang sakit naman." Sabi niya sabay acting na naiiyak na siya. Pa-cute ka pa ah. Effective naman. Inirapan ko lang siya at patuloy na naglakad papunta sa apartment unit ni Charee. Hindi ko na siya papansinin dahil baka hindi ko makayanan at bigla ko nalang siyang yakapin. Control me, Lord.

Nararamdaman kong patuloy rin niya akong sinusundan kaya after kong mag ipon ng lakas ng loob I looked at him, I deep sighed.

"James... Sa totoo lang, madami akong gustong malaman, marami akong tanong na gusto kong masagot pero hindi pa ako handa na malaman yun sa ngayon." Natatakot kasi ako sa maaari kong marinig....

"Kaya sana bigyan mo muna ako ng time para makapag-isip. Kung gusto mo ako kausapin then ok, pero hindi sa ngayon. Sana maintindihan mo yun." Maayos kong sabi sakanya. Nawala yung ngiti niya sa sinabi ko. I'm sorry, James. Not now.

"If that's what you want." Yun lang yung mga salitang binitawan niya before leaving me on that floor. Yun lang yung sagot niya? Wala naman mali sa sinabi ko diba?

I took a deep breath before entering to Charee's apartment.

"Oy girl, nauna ka pang naglakad sa akin pero ako pa yung unang dumating. Saan ka ba nagsusuot suot, Nadz?" Inirapan ko naman si Cheska na nakaupo sa sofa. Tumabi ako sakanya at ininom lahat yung tubig na nasa baso sa center table.

"Oh mukhang uhaw na uhaw ka ha. Saan ka ba galing bes?" Sagot naman ni Charee.

"Wala.. wala. Dumaan kasi ako sa apartment natin kanina para kunin yung ibang credit card ko. Hehe." Pagsisinungaling ko. Hindi ko naman sinasadya na magsinungaling sakanila. Ayoko lang talaga munang pag-usapan si James. Mas lalo lang naguguluhan yung isip ko eh.

She's The One [JaDine] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon