Chapter 39

1.9K 56 25
                                    

Nadine's POV


"Kumusta ka na? Okay ka lang ba dito?" Nag-aalalang tanong ko kay Charee dito sa apartment nila. Umupo kaming dalawa ni Cheska sa sofa malapit sa kama. Ngumiti sya sa amin. "Okay lang ako dito. Nakakapanlumo nga e. Gusto kong lumabas." Sa bagay, sino ba naman may gusto na magdamagang stay sa bahay. Paano nya ma-eenjoy yung buhay California kung nandito lang sya lagi sa apat na sulok ng apartment nila. Si Tita Lara kasi umalis, inaasikaso daw yung business nila dito. Bagong tayo pa lang daw kasi nun kaya kailangang mag hands on ang mommy niya.


"Gusto mo mag-parteh parteh tayo?" Biglang tumayo si Cheska tapos nag-twerk it like miley dito sa harapan namin. Narindi naman kami ni Charee sa nakikita namin. Huhu! Bad talaga ni Cheska. Kapag yung baby magiging kamukha talaga niya lagot na lagot sya sa amin ni Charee hmp! Pero gwapo naman si Cheska, I mean maganda pala haha.


"Gaga! Ako i-papaparty mo? Gusto mo umuwi sa Pinas ng wala sa oras?" Babatukan pa sana ni Charee si Cheska ng umilag si Cheska. "Uy bawal ma-stress.." Inirapan na lang sya ni Charee.


"Why don't we go somewhere? Lets stroll? What do you think?" Kumuha ako ng chips. Tumayo si Charee. "Sure. Magbibihis lang ako." Yey. Chance na rin namin 'to para makapag-ikot ikot kasi bukas may pasok na kami ni Cheska.


Napag-isipan naming tatlo na pumunta sa California National Park. Nang nakarating na kami umupo kami sa bench na nasa tapat ng malaking statue. Wah! I'm starting to love California! Ang ganda ng view.


"Tara picture tayo!" Kinuha ni Cheska yung iPhone nya tapos nag-selfie kaming tatlo.


"Wacky naman!"


"Neks nemen! Ang ganda nating tatlo..." Tinignan namin yung picture. Ang cute ng pagkakuha.


"I-uupload ko 'to sa Facebook!!" Sabi nya habang busying busy nakatutok sa phone nya. I-uupload nga nya talaga. Mabuti na lang maganda ako dun. Hahaha.


"Tara punta tayo dun oh!" Pumunta kami dun sa garden ng park na punong puno ng mga bulaklak. Meron syang malaking fountain sa gitna. Wow! Ang ganda!!


"Picture ulit tayo!" Nag-selfie ulit kami. Nag-individual pic din kami with matching jump shot pero syempre hindi na dun kasali si Charee dahil sa kondisyon nya. For sure matutuwa sina Mom and Dad pag nakita nila itong mga picture namin kasi maiisip nila na nag-eenjoy ako dito sa Cali.


"Waaaah!! Naka-40 likes tayo within 5 minutes. Baka ni-like ni Carlo waaah!" Nakatutok talaga si Cheska sa phone nya. For sure tinitignan nya kung nag like din ba si Carlo sa mga photos.


"OMG Nadine!!!!!" Nagulat kami ni Charee kay Cheska. Ang lakas ba naman maka-sigaw. Napatingin tuloy yung mga ibang tao sa amin. Ito talaga si Cheska, ang hilig gumawa ng gulo


"Ano ba yan?" Lumapit si Charee kay Cheska. Bale sila na dalawa yung nakatingin sa phone ni Cheska.


"Bes! Ni-like ni James yung mga pictures!" Ha?


She's The One [JaDine] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon