Chapter 4

11.4K 248 6
                                    


Nadine's POV


Nandito kami nina Charee at Cheska sa Entertainment Room ng bahay namin. Pinapanood namin ang Diary ng Panget ni Haveyouseenthisgirl. Ang ganda ng movie! Nakakakilig sina Eya at Cross!


"OMG! Ang gwapo talaga ni Cross. Look at those abs. Perfect!!" Sigaw ni Cheska habang kumakain ng popcorn. Grabe naman itong makasigaw parang wala siyang katabi.


"Ang ingay mo bakla! Pero infairness tama ka ang pogi talaga ni Cross!" Sagot ni Charee. Oo nga ang pogi talaga ni Cross. Ang sarap yakapin!


Bigla namang may kumatok sa pintuan. Sino naman kaya yan? Binuksan ko yung pintuan. Naka-lock kasi kaya hindi sila makapasok sa loob.


Lumapit naman papunta sa akin yung maid namin at may hawak itong bouquet of Rose flowers.


"Ma'am, pinapabigay po ng lalakeng pumunta kanina."


Nagtinginan kaming tatlo. Kinuha agad ni Charee ang flowers at inamoy amoy ito. Siya na excited Inunahan pa ako ah!


Mabalik sa usapan.


"Bakit hindi mo sinabi na nandito siya? Nasa baba pa ba siya?"


"Wala na po. Umuwi na siya. Ipapatawag ko po sana kayo kaso sabi niya na wag na lang daw dahil ayaw na niyang makaabala pati may pupuntahan pa daw siya ma'am."


"Ah okay. Kilala mo ba kung sino?"


"Hindi ko po natanong. Pasensya na po."


"Okay lang. Sige."


Umalis na ang katulong at isinara ang pinto.


"Uy! Si James yan nagbigay nuh!" Ayan nanaman si Charee! As usual! Mang-aasar nanaman yan. Kinuha ko agad sa kanya yung flowers ko at binelatan siya.


"Ewan ko... Sana..." Bulong ko sa sarili ko. What the hell! Ano ba yun nasabi ko. Pero sa totoo lang, aaminin ko na... unting unti na talaga ako na-aattract kay James. Like hello? Sino ba naman ang hindi. Ngayon lang ako nakakaramdam ng ganito. Dati kasi ayoko talagang mag boyfriend, kontento na kasi ako sa mga kaibigan at family ko at iniisip ko kasi na may tamang panahon para dyan. Pero ngayon, I don't know. Basta ang alam ko masaya ako mga sa nangyayari.


Bigla namang nag-ring yung phone ko sa table. Nagtinginan kaming tatlo. Nagmamadali kong kinuha yung phone ko habang silang dalawa naman ay nakikibasa din dito sa tabi ko.


From: James Reid

Beautiful flowers for a beautiful lady. :) Sorry hindi ako nakapagpigil lagi kasi kitang iniisip. Maniwala ka man o hindi okay lang. Papatunayan ko naman sayo na seryoso ako. Hope you like it, Nadine. :)


"Aw! Ang sweet naman ni Papa James, Kailan kaya ako magkakaganyan." Napatingin naman kami ni Charee kay Cheska na mukhang nagde-daydreaming. Loka talaga. Sa totoo lang kanina pa siya ganyan, ang sweet daw ni James. Kinwento ko kasi sakanya yung buong pangyayari kahapon, nag-wiwish tuloy siya na sana meron na rin siya dahil ayaw daw niyang maging third wheel.

She's The One [JaDine] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon