Chapter 15

9.5K 165 2
                                    


Nadine's POV


Ang bilis ng panahon, Kailan lang nasa boracay kami tapos ngayon back to reality na. Pero that was really a nice experience. Ang dami naming ginawa. Nag-night swimming kami. Nag-jetski, banana boat. Pumunta din kami sa isang Ocean Park. Nag-shopping din kami ng mga gifts para sa families namin. Bumili ako ng t-shirts para kay Mama and Dad. I also bought key-chains para kay Ate Marie at sa iba pang maids at drivers namin. At higit sa lahat hindi ko yun makakalimutan dahil dun kami naging official ni James. Ang daming nangyari sa 3 days na yun at lahat ng yun ay puro masasaya dahil nakasama ko ang mga kaibigan ko at ang lalakeng napakahalaga sa buhay ko.


"Let's go?" Nakangiting sabi ni James sabay offer ng kamay niya.


Ngumiti din ako sa kanya at tinanggap iyon. Bumaba na kami sa car at magkahawak kamay kaming pumasok ng bahay.


"You're finally here. Kamusta ang bakasyon?" Tanong ni Daddy sabay tiklop ng dyaryo na binabasa niya kanina. I walked closely to him. I hugged my dad.


"Maayos naman Tito. Sobrang nag-enjoy po kami sa bakasyon. Thank you again for trusting me to your daughter." Sabi ni James. Napangiti ako pati na din si Dad. He walk closely to James and he tap his shoulder.


"Where's mom?" Wala kasi siya dito.


"I'm here sweetie!" Lumapit agad ako sa kay Mama at niyakap siya.


James walk closely to me. Tinitingnan kami nina Mama. Okay sasabihin na namin. Let's do this.


I sighed.


"Mom.....Dad...." Hinawakan ni James ang kamay ko. Napatingin naman sila dun at nanlaki ang mga mata nila.


"Huwag mong sabihing.... Engaged ka na?" Gulat na tanong ni mama. Dahil siguro sa ring na suot ko. 


Napakamot nalang ako sa ulo gamit ang free hand ko. Si mama talaga. Si daddy ayun parang gustong magalit.


"Hindi po Tito...Tita... Wala pa po akong balak na humantong doon. I just want you to know that girlfriend ko na po ang anak niyo." Biglang sambit ni James.


Napapikit naman ako. Sana hindi sila magagalit. Ipaglalaban ko talaga si James whatever happens.


Nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin, I opened my eyes and smiled. My mom is hugging me.


"Dalagang dalaga ka na anak." Natatawang sabi ni Mommy sabay himas sa buhok ko.


Kumawala na kami sa yakap at inayos niya yung buhok na nakakalat sa mukha ko.


Lumapit si dad kay James. "Nadine is the princess of our family. We love her so much.. Pag sinaktan mo ang anak ko wag ka nang magpapakita sa akin." Natatawang sabi ni Dad. Pati tuloy kami nakitawa na rin.

She's The One [JaDine] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon