“Iris, tatay mo ko. Hindi ko kakayaning saktan kayo ng ate mo...” Ha! Sinong magaakala na ito ang pinuno ng isa sa pinakamakaangyarihang mafia sa buong mundo?! Nagmamakaawa sa harapan ng anak niya...

“You know dad...muntik mo na akong mauto na naman sa pinagsasabi mo. I almost thought you loved me...” I smiled at him, and left. Umakyat ako sa second floor, pero hindi ako lumayo masyado sa hagdanan. Umakyat na din yung magkapatid at sinamahan ako.

“Bakit nandito ka lang? Hindi ka pumasok sa kwarto mo...” tanong ni Cassandra.

“They never tell me things about the mafia. Sa tingin nila pinpoprotektahan nila ako by keeping knowledge from me. Hindi na ako yung bata na nasaksihan na patayin ng sarili niyang ama ang kanyang ate all those years ago. I’ve changed. The only way to know things around here, is to spy.” Sabi ko sa kanila.

"Diba matalas ang pakiramdam ng mga kuya mo?" tanong ni Cassidy.

"They won't notice. Nandito si dad, they'll let their guard down..." sabi ko as I settle dun sa taas ng hagdan.

“So, dad, ano yung sinasabi mo kanina? Why do we have to marry one of them para lang makatira sila sa bahay natin?” tanong ni Kuya Jiro. Nakooo...kung alam ko lang, gustong gusto mo yung idea na yan.

“Hindi mo ba alam?! Yung dalawang yan ang mga anak ni Tristan!” nag tense bigla yung magkapatid sa tabi ko.

“Cassy? Sandy?  Bakit? Kilala niyo ba yun?” tanong ko sa kanila. Hindi sila nagsalita, hinawakan lang nila ng mahigpit ang kamay ko.

“Si Tito Tristan?! Yung...kabarkada niyo?” tanong ni Kuya Ken.

“Teka kuya, sino yung Tristan?” tanong ni Kuya Riku.

“Kaming dalawa lang ni Kuya Ken ang may kakilala kay Tito Tristan. Inintroduce kami ni dad sa kanya nung 9 si kuya at 8 ako.” Sagot ni kuya Jiro. So he knows his dad in law? Hahaha =D

“Pero bakit naman kailangan pang pakasalan? Eh kilala naman tayo ni tito ah!” sabi ni Kuya Ken.

Mafia Boss LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon