Chapter 17

6.4K 108 16
                                    



Chapter 17

 

 

Hindi ako makatulooooooooog...

Yung dalawang katabi ko sa kama (Cassandra & Cassidy), mahimbing na natutulog na, pero ako gising na gising parin...

Teka, anong oras na ba? (tingin sa relo) WHAAAAAAAT? 3:05 am?!?! Hoy Iris matulog ka na! 3 am na! Let me explain: May fear kasi ako sa time na three o’clock. Nung bata kasi ako, kinwentuhan ako nung bwisit na kambal ng sandumakmak na mga nakakatakot na storya na lahat nangyayari tuwing three o’clock ng umaga. Nung nagresearch ako,  madami daw kasing mga dead people or kaluluwa sa tagalog na naliligaw tuwing oras na yon. Creepy...

Bakit nga ba hindi ako makatulog?

Sa loob ng utak ni Iris: TSUP!

 

Waaaaahhhh...wag! Itigil mo yan Iris! Hindi gumagana sa iyo yung mga ganyan diba? Wa-epek ang mga gwapo sayo kasi nga sawa ka na sa kanila! Sawa ka na!

Sa loob ng utak ni Iris: TSUP!

 

WAAAAAAAAAAHHHHHH!!!

TSUP!

 

TSUP!

 

TSUP!

 

 

Parang pilit na nagre-replay sa akin yung moment na yun...nakakainis!

Bakit hindi ako makatulog? Bakit natutulog sina BFFs sa kama ko? AT BAKIT NATULOG NG UMIIYAK ANG KAMBAL KONG KUYA?!

Mafia Boss LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon