Chapter 5

10.6K 172 6
                                    

Chapter 5

Nagising ako ng madaling araw. 1:25 am to be exact. Bumaba ako sa kitchen para mag very very very late dinner, pero narinig kong may naguusap sa sala kaya nakinig muna ako. Sumilip ako ng konti tapos nakita ko sila.

“Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko eh...natatakot ako...natatakot ako na baka lumayo na naman siya sa atin...” Si Kuya Ken yung nagsasalita ah...ano to?

“Pabayaan mo na kuya. Bigyan na lang natin siyang space ngayon. Kailangan natin maging underdstanding pagdating kay Iris. Alam naman natin yung naging epekto sa kanya ng mga nakita niya nung gabi na yun.” Si Kuya...KOJI?!?! Dumadaldal ata ah...

“Dapat kasi hindi mo na lang ipinilit yung topic sa kanya. Alam mo naman na sensitibo si Iris sa topic na yun eh.” Sabi ni Kuya Jiro.

“Ou, alam ko naman na mali yung ginawa ko eh. Ngayon, sana lang, mabigyan ako ng pagkakataon na ayusin yung mali na nagawa ko.” Sabi ni Kuya Ken.

Malungkot na malungkot yung mukha nilang lahat. Completo silang pito dun sa sala. Sina Kuya Ken, Jiro at Ryu, nasa sofa. Sina Kuya Shin at Koji naman, nakaupo dun sa magkabilang upuan na nasa bandang gilid nung sofa. Si Kiuya Kira, nakaupo dun sa ottoman malapit sa tv, nakabukas yung tv pero hindi sila nanonood. Si Kuya Riku naman, nakasalampak sa harapan nung glass table kung saan nakaharap yung sofa sa gitna at yung mga upuan na leather na nasa gilid.

“Naalala niyo pa ba yung time na nilayuan tayo ni Iris? Last year?” sabi niya sa mga kapatid niya.

“Sino ba naman ang makakalimot nun? Para siyang natatakot na nandidiri sa atin nun. Hindi natin malaman kung ano ang gagawin para lang makausap siya. Lumalayo siya at sumisigaw na tatawag ng pulis kapag sinubukan natin lumapit sa kanya.” Sabi ni Kuya Ryu.

“Sina mommy lang yung nakakalapit sa kanya nung mga panahon na yun. Nagpabili pa siyang ticket papuntang Italy para lang makalayo sa atin.” Dugtong pa ni Kuya Shin.

“Speaking of mommy, nasaan sila?” tanong ni Kuya Kira.

“Nagpunta daw muna ng manila, may aasikasuhin lang daw.” Sagot ni Kuya Jiro.

“Pareho?” tanong naman ni Kuya Riku.

“Oo, pareho.” Sagot ulit ni Kuya Jiro.

“Oh...” yun lang sinabi nilang dalawa.

Tumigil sila sa pagsasalita. Lumabas pa ako ng konti dun sa pinagtataguan ko. Nangtitinginan lang sila...

“Iris...lumabas ka na diyan. Alam naming lahat na nakikinig ka sa amin.” Sabi ni Kuya Jiro.

Lumabas naman ako dun sa pinagtataguan ko sa likod ng dingding. Pano nila nalaman na nandun ako?

Mafia Boss LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon