Chapter 18

5.7K 93 9
                                    


Chapter 18

Nung nandun na kami, nakita ko si Kuya Jiro at kuya Koji na galing sa kwarto ko.

“ANO GINAWA NIYO SA KWARTO KO?!” tapos nagtaas naman sila ng kamay nun, parang hinuhuli ng pulis yung mga kriminal. Hahaha

“Hindi no!” sabi ni Kuya Jiro.

“Anong wala?! Kayo talagang mga lalaki, huling huli na nga sa akto, magdedeny pa.” Sabi ni Cassandra. Nilingon naman siya ni Kuya tapos nagsmirk siya kay Sandy. Hmmm...ano ba naman to! Hintayin niyo nga kasi yung Side Story niyo! Wag kayo sa storya ko! Bwahaha!

“Kuya! Mamaya mo na i-flirt si Sandy! Ano ginawa niyo sa storya-este, kwarto ko?” tanong ko sa kanya. Si Kuya Jiro tinatanong ko kasi si Kuya Koji hindi naman nagsasalita yan.

“Wala nga! Ang kulet! Lika na Koji!” tapos hinila niya si Koji papunta sa kwarto nila. Yup, silang dalawa yung mag room mates dito sa bahay. Madami kasi sila kaya kailangan magroommate. Sina Kuya Riku at Kira ang mag roommate, natural mag kambal yun eh. Tapos si Kuya Ryu at Shin naman. Tapos si Kuya Ken, mag isa lang yun! Forever alone yun eh.

Speaking of kambal, lumabas sila sa kwarto nila ngayon. Hawak hawak na naman nila si Paddy, yun yung pangalan ng Ipad nila. Hay nako mga isip bata. Pati ba naman ang IPAD BIGYAN NG PANGALAN?!

“Ang galing ni Paddy! Nakakagawa siya ng animation!” tapos pinakita sa akin ni Kuya Kira yung animation daw eka na ginagawa ng pinakamamahal na Ipad nila. Pagtingin ko...

TSUP!

 

 

“Waaaaaahhhh!” sigaw ko sabay hampas sa Ipad. Ayun, basag ang IPAD.

“IRIIIIIIS!!! ANO GINAWA MO KAY PADDY! KUYA! SI IRIS SINIRA SI PADDY!” tapos sabay labas ni Kuya Riku. Hahahaha kambal nga sila, pero mas naunang lumabas si Kuya Riku.

Mafia Boss LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon