Isang linggo ko rin bago makuha yung result. I was confident na okay lang. But then siguro ang taas ng expectation ko. The result was expected pero yun nga, sino ba ang makakatanggap non? Sabi nila hearthrob daw ako, crush ng bayan, I was like a hunk to a lot of people and in the eyes of my friends! Andami ngang nagkakagusto pero.. Alam mo yun!? Yung feeling na nakakababa ng pagkalalaki. Yun yun eh! 

I was Crazy that time at na-obses ako sa .. I call it illness. Kahit na sinabihan ako na may chance kasi low lang naman ang count at ibahin ko lang ang lifestyle ko. Natutulog na ako ng maaga, I quit drinking ang taking coffee, nilubayan ko na ang stress at before ako umuwi sa probinsya sa para sa pasko nagpa-check up uli ako. Sa Probinsya ako nanatili habang hinihintay ang result. Pero kahit na confident ako non nag-aalala pa rin ako na wala pa rin siguro. I told the doctor to text me if may result na siya pero hindi siya nagtext. Siguro nga hindi pa rin talaga. Inisip ko naman yun.

I got depressed and super sad. 

So paano kami bubuo ni Jazmyn ng pamilya kung ako nga eh hindi makabuo. Nag-imagine na ako after 5-6 years ready na siya tapos ano? sasabihin ko na lang na 'sorry kahit anng try natin wala kasi baog ako.' 

Sa sobrang depress ko non pumunta ako nga bar. There I saw Chereese staring at me na nakatodo ngiti pa.

"Jed!!" tapos hinalikan niya ako sa pisngi. Depress lang naman ako at hindi pa ako tanga para hindi maamoy na nakainum siya. "Good to see you back." 

"You're Drunk again."

"Dapat mag-enjoy ako kasi last Christmas ko na to dito." sabay sayaw sayaw sa harapan ko at abot ng alak.

"You must learn how to control it." sabi ko na kinuha yung shotglass na binigay niya."I mean mapagsamantala ang mga tao sa City. Kailangan mo i-control yang mga pinag-gagawa mong yan. Baka ma-take advantage ka."

"Don't Mind me Jed! I can handle my self." giling pa rin siya ng giling."Edi ite-take advantage ko rin sila." sabay tawa niya.

Tinalikuran ko naman siya. Wala lang naiinis ako sa mga babae na walang respeto sa sarili eh. Hindi na nga maibigay ng mga tao yun sa kanya sana naman maski sarili niya respetohin niya.

"Jed!! Jed!!" tawag niya sakin habang hinahabol ako.

Medyo maaga pa naman non kaya naman maluwag pa ang bar. Pumwesto ako sa counter nila saka naman tumabi itong si Chereese. Tinignan ko siya ngayon ko lang napansin yung suot niya. Halos hubo't hubad na siya sa suot niyang tube na abot hanggang sa ibabaw ng pusod niya at ang napaka-ikli niyan short. Hindi rin naman ako bulag na hindi makita yung mga lalaki na panay ang pa-cute at tingin sa kanya, yung iba nag-o-offer pa nga ng mga inumin pero di niya pinapansin. Kwento lang siya ng Kwento tungkol sa nangyari ng high school niya. At don ko rin nalaman na very vocal siya. Saan ka ba nakakakita ng babae na pinangangalandakan sa buong mundo na 5  times na siyang na devirginize. Sinasabi pa niya sakin yung mga lalaki na nakatikim na sa kanya.

"Enough Chereese." Sabi ko nong tumatayo na ang balhibo ko sa kanya.

"Bakit?? Virgin ka pa ba?"

"Lemme remind you Chereese.. Hindi lang ako basta basta na 'Jed' lang.. I'm your 'Kuya' naiintidihan mo ba yun??"

"Papaalala ko rin sa'yo naEx kita.. Kinukuya lang kita sa harapan ni Ate Jazmyn para walang gulo saka.. hindi yan yung tanong ko. So? Virgin ka pa ba KUYA??" pa-cute na sabi niya na maydalang panunudyo.

Til Death Do us Part [Under Construction]Where stories live. Discover now