Chapter 22

845 16 2
                                    

Buong magdamag akong hindi nakatulog ng maayos katapos kong makausap sila Andrei. Napag-isip-isip ko rin yung mga sinabi nila. At some point tama din naman sila. 

Eight years ago wala na kami ni Jed. Eight years ago pinalitan niya na ang posisyon ko sa puso niya. I wonder sino ang pipiliin niya kung papapiliin ko siya. Malamang ang Pamilya niya. Malamang yung Asawa't Anak niya. Tamasi Andrei, Married or not pamilya ng maituturing sila. Sinabi ko na dati na ayaw ko matulad sa Mama at Papa ko ang Pamilya ko. O ayoko na may nawawasak na pamilya dahil lang sa maling Desisyon-- Yes I call it wrong decision. Sana dati pa naisip ko na to. Di sana hindi aabot sa ganito. Ayoko rin naman na pagpiliin si Jed between Me and his Family kasi kung ano't anuman ang sagot niya masasaktan pa rin ako.

Bumuntong hininga ako. At napatingin sa Relo. It's already 3:00 A.M. in the morning.

Ako nga lang pala ang natutulog dito sa bahay. Gusto ko munang makapag-isa mag-isip at liwanagin ang lahat-lahat ng guilt na nararamdaman ko. Ilang beses rin akong nakarinig ng katok. Alam ko si Jed yun pero hindi ko pinagbuksan. May one time rin na may kumatok sa bintana ko kaya lang desidido akong wag muna makipag-usap sa kanya. December 23 na ngayon. At itong araw na to kami magcecelebrate ng homecoming. At ngayong araw din na to ihihinto ko yung kahibangan naming parehas ni Jed.

Maaga akong bumangon. Maaga din na sinundo ako ni Simon sa Parade. I called him to pick me up, nag-okay naman siya. 

"Si Andrei Pala? Akala ko siya yung susundo sa'yo eh." Yumuko naman ako nang matopic niya yun.

"Oww. So may problema. Okay.." Hindi na siya nagtanong kung ano yung problemang yun. Dati pa naman hindi na talaga ochesero si Simon kaya nga nagtaka ako kung bakit sumali-sali siya nong usapan about samin ni Jed.

Nag-motorbike lang kami. Ayaw niya kasi na maglakad sa parade kaya yun ang ginamit niya. Dinadaan ko na lang sa tawa lahat kahit nag bigat-bigat ng pakiramdam ko. Kahit Hindi ako okay.

Napansin naman yun ni Simon. "Wag mong Pansinin si Andrei. OA lang talaga yan." nagsmile naman siya sakin sa side mirror ng Motor niya. Pinilit ko naman na mag-smile rin.

Sana nga ka-OAhan na lang yun, para hindi ko magawa yung binabalak ko.

Pagod na ako para sundin yung tinitibok ng ppuso ko, sinisigaw ng damdamin ko. Puro kasi Mali. Sana naman ngayon Tama na tong gagawin ko.

Pauwi ako ng bahay ng mga 4:00 PM, hinatid ako ni Simon. Siya lang yung kasama ko Whole day. Kami lang yung nagkukulitan. Hindi na rin kami sumali pa sa parlor games at baka ano na naman ang isipin ng ibang tao.

"So, Do I still have to pick you up later?" tanong niya ng inayos yung helmet na ginamit ko sa manebela niya.

"What do you think?"

 

"OH MY GOD! I'm Not thinking.." pabiro naman niyang sinasaktan ang ulo niya tapos tumawa. "Well, see you later!"

Til Death Do us Part [Under Construction]Where stories live. Discover now