HABHGB 12

1.3K 58 22
                                    

Chapter 12: Paano? 

Ella's POV


Matapos naming manood ay nagpaalam na sa amin si Liam. Wala din kasing dalang kotse. Pagkaalis ni Liam ay kaming dalawa nalang ni Sarah ang natira. We decided to cook dinner since hindi pa kami kumakain ng heavy meal.


"Bakit ba kasi galit na galit ka kay Jeremy? Hindi ka nagkukwento ka sa akin about that." I opened a topic. Naisip ko din kasi si Jeremy. 

Napatingin siya sa akin. More like a glare. May hawak pa naman siyang knife. She was chopping the chicken. Pero nung tinanong ko siya about Jeremy ay para bang nagcchop na ng lechon.


"Nakakainis kasi ang ugali niya. Ever since I met him, feeling niya na ang gwapo niya and he's all that. Para bang nakikita ko siya kay Dale. Nakakainis siya! Ang yabang tapos ang angas pa!" reklamo niya sa akin. 


"Iba si Dale, iba din si Jer. Malay mo, may soft spot siya. Don't judge others when they are not judging you, cupcake." 


"Soft spot? Where? Oh god, shortcake you gotta be kidding me? Tsaka, I'm not judging him. Iyun ang nakikita ko sa kanya eh and plus, I'm just telling the truth." sagot naman niya sa akin. 



"Sus. Ba ka naman may gusto ka na sa kanya. You're just denying it." 


Dahil doon ay napa-f-ck siya ng malakas.


"Kadiri ka! Eww! No! Never ever! Not even!" 


Natawa nalang ako. "Arte mo talaga." tumawa nalang ako sabay binalik ang atensyon ko sa pagluluto. 


"Give him a chance, mabait siya. Sobra." 


"Don't be so importunate, shortcake. Basta, ayoko." hindi ko na siya kinulit pa. 


Matapos naming magluto ay dinala na namin ang pagkain sa living room. Doon kasi kami kakain habang manonood ng tv. 


"Sa tingin mo, maeenjoy ni Dale ang date naming dalawa?" bigla kong natanong kay Sarah.


Kanina ko pa sa mall iniisip 'yun. Masyado akong atat, really. Excited na akong makadate si Dale. I've been dreaming and wishing about this since forever.

"In my honest opinion?" napatingin sa akin si Sarah. Tinabi niya ang kubyertos niya sabay humarap sa akin.

Tinignan ko siya sabay tumango. 

"Actually, hindi. Well, pwede na din siguro. Pwede na siyang mag-enjoy na kasama ka. Hindi ka namang boring kasama eh. Sino ang hindi mageenjoy pag kasama ka? But the thing is, isang dare lang 'yang date niyo. Hindi bale sana kung siya ang nag-aya diba? He would be so happy, so glad. Pero hindi, it was just a dare. Sorry for saying this, iisipin niya na isang friendly date lang ang gagawin niyo. He would rather hang out with Lianne than you." 


Dahil doon ay para bang nawala ang lakas ko. Oo, tama siya. Masama ba maging selfish? Pinangarap ko ito. Papalampasin ko pa ba? Gusto ko maging masaya, for once. 


"Wag mo na masyadong isipin ang sinabi ko. Opinion ko lang iyun. Let's just continue eating." ngumiti nalang siya sabay binalik ang tingin sa pinapanood namin. 


After a few hours ay umalis na din si Sarah. Pagkaalis ni Sarah ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Naligo muna ako sabay nagbihis na. Humiga na ako sa kama ko. Napatingin ako sa katabi ko, si Little Dale.

KathNiel: How A Broken Heart Gets BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon