BBR Forty One

Magsimula sa umpisa
                                    

"Woah!" Namamanghang sambit ko. Mabilis na tinanggal ko ang doll shoes ko. Natatapakan ko na ang puting buhangin, hindi ito masakit sa talampakan dahil mapino ito.


Nakangiting lumapit ako sa malinis na dagat at doon, ibinabad ko ang aking mga paa. Napakagat ako sa labi dahil sa lamig nito. Papalubog na ang araw kaya hindi na ganoon kainit.


Pumikit ako at ninamnam ang simoy ng hangin. It's relaxing. Ang inis na nararamdaman ko kanina, parang nawala.


"Anong masasabi mo sa lugar?"


"Speechless." Nakangiting sabi ko habang nakapikit. Totoo naman, sa ganda ng lugar na 'to, wala na akong masabi.


Naimulat ko ang aking mga mata nang may mga brasong yumakap sa bewang ko mula sa likod. Ipinatong pa nito ang kanyang baba sa aking balikat.


"I like it." Bulong nito. "I like it when you're smiling."


"Let me go." Humigpit ang yakap nito. Napasinghap ako nang kagatin nito ang punong tainga ko.


"I missed you."


"Stop playing around. It's not funny." Nagawa kong tanggalin ang braso nito. Inis na humarap ako sa kanya. Nakita kong umigting ang panga nito, na parang may nasabi akong hindi niya nagustuhan.


"I'm not playing with you."


"If it's not. Then stop flirting with me, dahil hindi na uubra sa 'kin 'yan." Kinuha ko muna ang doll shoes ko bago naglakad palayo.


Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang gusto ko lang makalayo sa kanya. Mabilis na naglakad ako nang may makita na naman akong maganda.


Humiga ako sa duyan, gawa ito sa . Nasa pagitan ito ng dalawang puno. Naalala ko na naman 'yong phone ko na tinapon niya. Edi sana marami na akong nakuhang pictures ngayon.


Idinilat ko ang mga mata ko at humikab. Ngunit, gano'n na lang ang gulat ko nang wala na ako sa duyan. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Paano ako nakarating dito?


"Hey," Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon. Nakasilip si Edward. "Get up. We'll eat."


"Susunod na lang ako."


Tumango ito bago muling sinara ang pinto. Nag-ayos muna ako bago lumabas. Dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko si Edward na naghahain na sa lamesa. Tumikhim ako. Napalingon siya sa gawi ko.


"Have a seat." Ipinaghila pa ako nito ng upuan. I don't want to arguing with him again, kaya umupo na lamang ako.


"Paano ako napunta sa kwarto?" Tanong ko. Napatigil ito sa pagsubo. Pinunasan muna nito ang kanyang labi bago nagsalita.


"Do'n ka natulog diba?"


"Aish. Nevermind na nga lang." Ipinagpatuloy ko na lamang ang pag-kain. Hindi kaya pumunta ako dito ng tulog? Impossible. That's not my thing.


"I wanna go home." Nakapangalalumbaba kong sabi habang nakatingin sa ginagawa niya. Nagsasalin siya ng wine sa baso. After that, he giving me a glass of wine, but I refuse it.


"Mag-uusap pa tayo."


"We have nothing to talk about." Padabog na tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Lumapit ako sa railings. Pagkatapos naming kumain, dito kami sa terrace dumiretso.


"Do you think I'm dragging you here, if we have nothing to talk?" Natahimik ako. Muli na naman nitong inabot sa 'kin ang baso. Tinanggap ko na ito, dahil mukhang hindi ako titigilan nito.


"I'm sorry," Mahina na sambit nito. Tahimik lamang ako na nakinig sa kanya. "I'm sorry for what I've done to you. Nagawa ko lang naman 'yon because I was deeply inlove with her." Sumimsim ako sa wine. Hindi ito mapakla, unlike to others.


"Iba talaga nagagawa ng love."


"You're right." Napangiti ako nang sumagi sa isip ko si Lance. "Seems like you really fell inlove with Lance." Nawala ang ngiti sa labi ko nang mahimigan ko ang lungkot nang sabihin niya 'yon. Tumango ako.


"Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa kanya. When I was broke, he always there for me." Tuwing iiyak ako, he always enlighten up my mood. Hindi man niya sabihin sa 'kin, nararamdaman ko na nasasaktan ko na rin siya.


"Siguro kung hindi kita sinaktan noon, baka tayo pa rin hanggang ngayon." Napaawang ang labi ko nang makita ko ang luha sa kanyang mga mata. Mabilis niya naman 'yong pinunasan bago nilagok ang wine na nasa baso niya.


"Don't mind me, just drink." I bit my lower lip. Nag-aalinlangan man, hindi ko na lang siya tinignan.

Beauty is the Best RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon