Nanggigil ako kay Acey. Anong na isip nya at pinagsasabi 'yon? Bwisit, hiyang hiya tuloy ako kay Gil ngayon na panay pa rin ang tawa. Ugh! ang manyak nya!

"Tumigil ka na nga katatawa r'yan!" ilang minuto na syang tawa nang tawa pero ayaw nya pa rin tumigil.

"So-sorry." medyo natatawang sabi nya. Pinunasan nya ang mata nya dahil may luhang lumalabas kakatawa nya. "Pfft!"

"Gil!"


"Ito ang bahay nila. Wag kang mag-alala, si Kuya Ace lang ang tao dyan ngayon." sabi ni Gil pagkatapos ibaba ang gamit ko. "Gustuhin pa sana kitang samahan pero may emergency kasi sa kompanya, kailangan kong umalis agad."

"Okay lang, kilala ko naman si Kuya Ace." parang nagulat naman sya na kilala ko si Kuya Ace pero ngumiti rin sya kinalaunan.

"Hindi talaga ako makapaniwala na si Angel ang first love mong si Arch." sabi nya. Ngumiti ako sa kanya. "Wag mo muna sabihin kay Acey na si Angel at Arch ay iisa. Gusto ko pa syang asarin." sabi nya. Nailing ako. Pansin ko na mas close silang dalawa ni Acey habang si Lorenzo at Jelly naman ang close.

"Maru baby!" napatingin kami sa taong tumawag sakin.

Gulat ako sa taong nasa harapan ko. Ito na ba si Kuya Ace? grabe sobrang gwapo nya at ang laki ng katawan. Nanibago ako sa kanya na dati mapayat lang sya.

"Kuya Ace? ikaw na ba 'yan?" tanong ko para makasigurado kahit sya lang ang tumatawag sakin na 'Maru baby'.

Sobrang tuwa ko na itaas nya ang dalawang kamay nya na para bang naghahanap ng kayakap. Mabilis ko syang niyakap.

"Kuya Ace! namiss kita!" sabi ko. Ginulo nya naman ang buhok na palagi nyang ginagawa noon sakin. "Kuya Ace naman!"

"Namiss din kita Maru baby, parang dati lang ang liit-liit mo pa na panay ang buntot kay Archangel ngayon mas lalo kang gumanda." medyo nahiya naman ako sa papuri nya.

"Siguradong namiss ninyo ang isa't isa at may emergency pa ako sa kompanya kaya mauuna na ako sa inyo." sabi ni Gil. Medyo nakalimutan ko sya dahil sa pagkamiss ko kay kuya Ace.

"Kakabalik mo lang, trabaho agad?" tanong sa kanya ni kuya Ace.

"Ewan ko ba. Sige, Kuya Ace at Maru, kayo na baka kay Acey. Bye!" sabi nya at pumasok sa kotse nya. Hinatid tanaw muna namin si Gil hanggang sa hindi na namin sya makita.

Pumasok kami ni Kuya Acey sa malaking bahay nila. Mansion na nga kung titignan.

"Kumain ka na ba? hindi pa kasi luto ang almusal kaya magtiis ka na muna kung nagugutom ka." napailing ako dahil hindi pa rin pala nawawala ang pagkapranka nya.

"Okay lang ako. Kumain na kami ni Gil bago pumunta rito." sagot ko.

"Alam mo, hindi ako makapaniwala na ikaw pala ang taong gusto ni Acey dahil gusto mo noon si Archangel tapos gusto ka rin pala noon ni Acey." ngumiti ako ng pilit kay Kuya Ace. Ako rin naman. "Sa lahat na magugustuhan ni Acey ay ikaw pa."

"So, anong pinapahiwatig mo?" tinignan nya ako mula paa hanggang ulo. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Mas bagay kasi kayo ni Archangel." nakangiting sabi nya pero hindi ako naniniwala dahil lagi nya sinasabi 'yan noon at kapag tumaas ang pag-asa ko dahil sa sinabi nya ay bigla nyang babawiin sa panlait. "Bago kita dalhin sa kwarto ni Acey ay may ipapakita muna ako sayo."

"Ano naman 'yon?" tanong ko. Iniwan na muna namin sa may sala ang gamit ko at umakyat kami sa second floor.

"Sabi ni Archangel ipakita ko raw sayo kahit walang permission ni Acey. Sana lang ay hindi magalit si Acey." sabi nya. Kumunot ang noo ko, bakit nila ipapakita sakin kung magagalit pala si Acey.

KabitWhere stories live. Discover now