Trigger 60 - Last Mission

Start from the beginning
                                    

Napabuntong hininga ako at sinabi ko sa kanila ang bilin ni Boss. Kahit sila naguluhan rin e.

Knight: "10th street?"

Alchris: "We are on the 12th street right now, I saw the sign."

Napalingon kami kay Chris na nasa bintana at katabi si Kyoko, na napalingon rin sa kanya, dahil sa sinabi niya. May mga sign na may nakalagay kung saang street kami? 

Belle: "We've just passed the 11th street. Mahal, sabihin mo na sa driver iyong sinabi ni Boss. And everyone! Pack your bags and protect one another. Huwag kayong maghiwa-hiwalay. Boss is planning something, and I can fuckin' tell that. Damn!"

Narinig ko ang iba't-ibang boses ng mga agents, pati sina Selene na biglang napatayo at nagkaroon ng pangamba sa mga mata nila. Ako naman ay lumapit na sa driver at sinabi ko ang pinasabi ni Boss at tumango lamang ito.

Hindi rin nagtagal ay huminto na ang bus at lahat kami nagsibabaan na. Noong nakababa kami, bigla kaming nagulat ng umalis ang bus ng walang paalam at kahit anong gawin namin hindi na namin nahabol. Buti nalang dala namin ang mga maleta namin. 

Para kaming iniwan sa isang lugar na hindi namin alam kung saan at kung paano kami makakaalis hindi rin namin alam.

Ambia: "Oh my gosh! what's going on?"

Selene: "Anong gagawin natin ngayon? We didn't have any idea about this place!"

Nicolet: "I swear, if this is Boss's jokes, it's not hella funny to me."

Demi: "Shut it, guys! Calm down for pete's sake."

Kyoko: "How can we calm down when we're at this situation?!"

Ely: "Tumigil muna kayo at may sasabihin si Demi, okay? Calm down guys."

Nanahimik na silang lahat at tumingin kay Demi. Kung hindi ko kilala si Demi, hahanga talaga ako sa pagiging kalmado ng hitsura niya. But I know better than that. She's nervous inside but she's hiding it. Typical Demi.

Demi: "Ang sabi ni Boss na may mission tayo 'di ba? Naaalala niyo pa ba o ako lang ang nakaalala?"

Micaela: "I remember that, bitch. Pero anong kinalaman ng mission sa pagiging stranded natin ngayon?"

Actually, may idea na rin ako kanina pa. Kahit si Belle na tahimik, alam kong na-gets niya na iyon kanina pa kaya nga pinaalalahanan niya iyong iba kanina sa bus e.

Pinigilan kong matawa ng mahalata kong naiinis na si Demi, nawawalan na iyan ng pasensya. Napalingon siya sa direksyon ko at binigyan ako ng masamang tingin nung mahalata niyang pinipigilan kong tawanan siya.

Belle: "This is the mission he's talking about, guys. I guess, he wanted to tell us that the mission is to find where he is right now. And I have a hunch, na may clues siyang iniwan sa lugar na ito para sa next place na pupuntahan natin."

Nauunawaang tumango-tango ang mga agents, kahit sina Selene at Ambia, except kay Renz at Xander na naguguluhan pa rin sa nangyayari. 

Sila ang hindi ko maintindihan kung bakit pinasama sa amin ni Boss. Anong gustong ipahiwatig ni Boss sa pagsama niya kay Renz at Xander sa outing slash mission na ito?

Naramdaman kong siniko ako ni Belle kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin siya kina Xander at parang alam niya ang tumatakbo sa isip ko.

Belle: "Boss wanted us to tell everything to them. I think that is what he meant by tagging them with us on this 'mission'."

Tumango ako at nilapitan ko sina Renz. 

Renz: "Kuya, ano ba talagang nangyayari dito? Bakit tayo iniwan dito? Akala ko ba kilala ninyo iyong pupuntahan natin?"

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Where stories live. Discover now