Trigger 43 - Life after 6 years

7.8K 112 2
                                    

[Edited Ver.]


Life after 6 years



Therbie's PoV :

Naglalaro lang ako ng rubix cube sa loob ng office ko. Mamaya pang lunch time ang meeting ko kaya wala akong magawa ngayon. Ayoko naman lumabas dahil nakakatamad. Isang buwan na mula noong magsama-sama kaming mga agents at sina Selene, Ambia, Renz at Xander sa araw ng kamtayan niya.

Kanya-kanyang buhay na naman kami. Ako na rin kasi ang namamahala ang kumpanya dahil nag-retiro na si Dad at siyempre kung nasaan naman si Dad, nandoon rin si Mom kaya parehas nalang silang nasa bahay. Minsan pumupunta sa bahay iyong pinsan kong si Tammy kasama ang anak niyang si Yannielle na apat na taong gulang palang, para na ring nanay niya, hyper masyado. Kabaliktaran sa asawa ni Tammy ang ugali ni kuya Ian na asawa niya kaya hanggang ngayon nagtataka ako kung paano natatagalan ni Kuya Ian ang pinsan ko.

Napatigil ako sa paglalaro noong nag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko ang caller at nakita kong si Knight ito kaya agad ko ring sinagot.

Therbie: "Oh, himala. Napatawag ka bigla?"

Knight: *Hindi ako busy sa work ko e."

Therbie: "Naks! Iba na talaga 'pag CEO. Yabang!"

Knight: *Gago, hindi nga ganoon iyon! Tsk. Nasa BDA ako, CEO ka rin naman 'di ba? Pumunta ka dito ngayon.*

Iyon lang ang sinabi pagkatapos ay binabaan ako ng tawag. Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa cellphone ko na parang si Knight iyon. Grabe ang lalaki iyon, pati iyong pagiging strikto niyang pamamahala sa kumpanya niya ginagamit niya sa amin. Pero ganoon pa rin naman siya ka-lambing pagdating kay Nicolet. Sabagay, couple e.

Nakakainggit, Tsk.

Ipinilig ko ang ulo na parang inaalis ko ang naiisip ko, at inihanda ko nalang ang sarili sa pag-alis. May less than 3 hours pa akong free of schedule kaya pupunta na nga lang muna ako sa ahensya. Ka-kamustahin ko rin pala ang mga sub-agents doon sa experiment department. Sa anim na taong lumipas, umuunlad na rin ang teknolohiya at nakikisabay rin ang mga imbensyong gadgets at weapons ng BDA sa panahon.

Paglabas ko ng office, nakasalubong ko pa ang secretary kong si Yasmine. 

Yasmine: "Aalis po kayo, sir John? E may meeting po kayo mamayang lunch time."

Therbie: "May free time pa naman ako kaya aalis muna ako. Babalik rin ako mamaya, Yas. Darating ba si Ms. Anderson mamaya?"

Tumango ang secretary ko at may malapad na ngiti pa ito sa labi. Parang sina Selene at Ambia at kasing-edaran rin nila ito.

Yasmine: "Yes po, pero hindi si Ms. Anderson ang dadalo sa meeting, kundi ang representative niya raw po."

Therbie: "Her secretary?"

Umiling naman ito.

Yasmine: "No, sir. It's her daughter."

Napakunot ang noo ko noon. Naglakad na rin ako papunta sa elevator habang iniisip ko ang sinabi ng sekretarya ko. Anak ni Tita Annalise? Kilala ko siya dahil kaibigan siya ni Mom at Ninang siya ni Lawrence pero hindi raw nakapunta noon. Ang pagkakaalam ko, ayon kay Mom, walang anak si Tita Annalise. So, how come she has a daughter now? 

Lumabas na ako ng elevator at pumunta sa parking space at kinuha ang sasakyan ko at dumiretso sa BDA. Katulad ng sinabi ni Knight, nasa ahensya nga siya at hindi lang siya kundi may dalawa pa siyang kasama.

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon