Trigger 26 - Two women

8.2K 136 2
                                    

[Edited Ver.]

Two women



Boss/Dominic's PoV :

Boss: "MAMA?!"

Hindi ako makapaniwalang nandito, sa harapan ko, si Mama. Kagabi lang kausap ko siya at kinumusta ko pa nga kung maayos siya sa Boston, kung saan siya nakatira. Tapos nandito lang pala siya?

Anong dahilan at pumunta siya dito?

Lumapit ako sa Mama ko at kinuha ko ang bagaheng dala-dala niya, well, it's just a hand bag. Kahit nasa 60's na si Mama, parang dalaga pa rin itong kumilos at talaga namang ang elegante pa rin nito mag-ayos at pino ang pagkilos. Katulad nalang ngayon.

Nakapasok na kami sa loob ng office ko. Kasama ang mga agents at si Selene. Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang mga agents.

Ngayon lang kasi nila nakilala si Mama.

Umupo ito sa swivel chair sa likod ng table ko at parang siya ang mas boss sa aming lahat kung umasta siya. Napatuwid ako ng tayo noong ibaling niya ang tingin sa akin.

Rosa: "Son, hindi mo ba ako ipapakilala sa kanila? Well, I know all their names but I wanna know them personally and I'm sure they would like to know me, too."

Pinaghandaan ni Mama ang pagpunta dito. Kinilala niya ang mga agents ibig-sabihin ay handa talaga siya. Napabuntong-hininga nalang ako at tiningnan ang mga agents pati si Selene, na parang natutuwa lang sa sitwasyon.

Boss: "Agents, Selene hija, I would like to introduce you to my mom. Si Hillaria Rosa Diaz."

Agents: "Good afternoon po, Ma'am."

Selene: "Hello po, saling-pusa lang po ako dito. Hehe."

Napatigil si Mama sa pagbabasa ng mga papeles na nasa table ko at tiningnan ako.

Rosa: "Son, where's your manners? That's it? Ganoon mo lang ako ipapakilala sa kanila? Tsk. That hurts, you know."

Magsasalita na sana ako pero nakarinig ako ng tumikhim sa kinatatayuan ng mga agents kaya napabaling ako doon and I saw how Therbie looks at my mother.

Therbie: "Um, L-lola--"

Shocked was written all over my Mom's face. Kahit ako rin ay nabigla sa sinabi ni Therbie. Hindi gusto ni Mama na tinatawag siyang Lola dahil hindi pa naman raw siya mukhang lola, which I agreed, kasi maganda pa rin ang Mama ko, parang nasa 40's lang.

Pinanlakihan ko si Therbie ng mata na parang pinatitigil ko siya sa pagsasalita, pero huli na, dahil lumapit na si Mama sa kanila, hanggang sa huminto siya sa harapan ni Therbie at sinisipat niya itong mabuti.

She has this intimidating aura, na alam kong ramdam ng mga agents kaya napapangiwi ang mga ito.

Rosa: "Ang ayoko sa lahat ay nakakarinig ng mga ganoong salita. I should be mad at you by now, but since you're a charming young man, I'll let this one slide."

Pagkasabi noon ay sabay tumingin naman ito bigla sa akin at nilapitan ako. Noong nakalapit siya sa akin ay bigla niya akong piningot. At sobrang napasigaw ako sa sakit!

Boss: "Aaaa--raaaayyyyy!! Mamaaaaaa!!"

Rosa: "You're not fit to be their leader. Hindi mo sila tinuruang mabuti, Dominic! You know, I've been in the philippines for a week now. And in that one week, lahat sila pinagmasdan ko sa malayo and that's why I can say this now. What kind of training did you make them do? Huh?! Speak, my boy."

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon