Trigger 14 - Just the two of them

10.9K 179 7
                                    

[Edited Ver.]


Just the two of them



Ambia's PoV :

Last subject na namin ngayon at kakatapos lang rin kaming bigyan ng homework at i-grupo para sa magiging report namin sa monday before kami mag-midterms sa friday. I need to study hard para naman magkaroon ako ng kahit dos na grades. Noong Prelims kasi naka-tres ako. Pasang-awa na iyon para sa 'kin!

Ngayon naman dahil biglaang umalis kanina si Prof Vallejo kaya pinag-sasariling pag-aaral niya kami hanggang sa mag-dismissal time na.

Napatigil lang ako sa pagsusulat noong may marinig akong mahinang 'psst!' sa gilid. At sino nga ba ang nasa gilid ko? 

Ambia: "Ano?"

Selene: "Pa-kopya nalang ng notes mo mamaya ah? Tinatamad akong magsulat e."

Ambia: "Ayaw ko. Dahil mabuti akong kaibigan, I'd say NO."

Selene: "Huh? Anong pinagsasasabi mo dyan, Ambia? Mabuti ka ngang kaibigan kaya pako-kopyahin mo ako 'di ba?"

Ambia: "Tsk. You don't understand. Mas mabuti na ang maging mabuti kesa maging mabait. Alam mo kung anong pinagkaiba?"

Selene: "Seriously, kokopya lang ako tapos nakaabot pa tayo sa sermon mong pagkahaba-haba?"

Ambia: "Makinig ka kung gusto mong pa-kopyahin kita."

Napairap pa ito sa hangin sabay naka-kunot noong humarap sa akin.

Selene: "Aber, ano bang pinagkaiba?"

Ambia: "Narinig ko ito sa Homily noong last sunday na nag-church kami ni Mommy. Ang pinagkaiba ng mabuti at mabait ay ito. Kung mabait ka, aabusuhin ka ng mga kaibigan mo at ikokonsinte mo pa kahit mali na ang gawain nila. Pero kung mabuti ka, magiging kaibigan ka na imbes na konsintehin ang kasamaan ng kaibigan mo ay hindi mo gagawin iyon and you will do the right thing."

Selene: "Huh? Kung gagawin ko iyon, e 'di nagalit iyong kaibigan ko? Kasi parang pinagkanulo ko siya noon."

Ambia: "Tsk, tsk, tsk." (Umiling-iling) "Kung magalit ang kaibigan mo, ibig sabihin noon hindi mo siya tunay na kaibigan. At kaya mo ginawa iyon sa friend mo ay hindi para kagalitan ka niya. You actually did it to save your friend instead. How? By making your friend see the wrong that he/she did and repent from it. Kaya i'd rather be mabuti than be mabait."

Selene: "Wow.. may point nga naman iyang sinabi mo. Oh, nakinig na 'ko. Pahihiramin mo ako 'di ba?"

Ambia: "Hindi pa rin. Mabuti akong kaibigan. Hindi kita pakokopyahin para maisip mong magsulat on your own will. That's what I do as a friend, Selene. Isasama ko siya sa pagiging mabuti ko at hindi iyong isasama niya ako sa pagkakamali niya."

Belle: "Shut up, you two."

Nagulat kami ni Selene sa lamig ng boses ni Belle na nasa likuran namin. Gusto ko siyang tingnan pero parang natatakot akong gawin iyon. 

Sa totoo lang, masyadong malaki ang naging pagbabago ni Belle. Sometimes, I could still see my childhood best friend in her, but most of the time it's like I don't even know who she is, especially when she's acting cold and emotionless towards people. 

Hindi ko lang sinasabi ito kay Selene kasi baka masabi niya kay Belle. Knowing her, masyado siyang madaldal na minsan nadudulas siya sa kanyang mga sinasabi at dahil doon nag-aaway talaga kami. 

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon