Trigger 60 - Last Mission

Magsimula sa umpisa
                                    

Napalingon ako kay Xander at pareho pa kaming nakakunot ang noo at nagkakaunawaan sa sitwasyon ngayon. Pareho kaming clueless at naguguluhan sa nangyayari.

Napatingin ulit ako sa direksyon ni Selene at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Kinindatan niya lang ako at napangiti naman ako. Ang ganda talaga ni honey ko. Nginitian ko nalang siya bago pa siya tumingin sa mga kausap niya.

Gaano pa ba katagal ang byahe?


End of PoV

Therbie's PoV :


Napalingon ako sa bandang likuran, sa pwesto ng kapatid ko at nakita ko ang expression ng mukha niya. He's bored now, i can tell. Same with Xander. At alam kong na-a-awkward sila sa ibang mga agents na hindi naman nila kilala. 

Bumalik ang tingin ko kay Belle nung maramdaman ko ang kamay niya sa hita ko. 

Belle: "Tumawag na ba si Boss sa'yo? 'Cause i'm freaking irritated by now. He's not answering any of my calls and it's like he's playing with us."

Pinigilan kong matawa sa sinabi niya dahil baka mawala lalo sa mood at hindi na naman akong pansinin. hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon ng marahan. 

Therbie: "Hindi ko rin siya ma-contact. Actually none of us can. At iyong driver ng bus hindi nagsasalita about the place we're going right now. Pero kilala mo naman si Boss, 'di ba? Baka pinag-t-trip-an lang tayo nun."

Belle: "I'll strangle him if I see him."

Napatawa na ako sa sinabi niya. Halata ngang iritado na siya. Sabagay, kahit ako nabuburo na dahil halos limang oras na kaming bumabiyahe. Akala ko may mission kami kaya nga sinunod ko ang time na sinabi ni Boss na magpunta kami sa ahensya, pero isang bus ang sumalubong sa amin at sinabi lang ng driver na napag-utusan siya ni Boss. Of course.. we didn't believed him at first. We put on our agent mode on, kahit pa nga nagtataka sina Renz sa kinilos namin. Pero noong marinig namin si Ara sa kabilang linya ng phone ng driver at sinabi niya mismo na utos nga ni Boss, sumakay na kami at hindi na nagtanong hanggang ngayon.

Tumigil lang ako sa pag-iisip ng malalim noong medyo bumagal na ang andar ng bus at nung napatingin ako sa labas, may pinasukan kaming isang malaking gate. Pagpasok sa loob, namangha kami sa mga pine trees na nasa kabilaang side namin at ang simoy ng hangin dahil sa mga puno. 

Demi: "Is this Boss's new property? Because if it is, then I can understand why he wanted us to come here."

Nicolet: "Baka nga ganun. Si Boss pa? As always, nan-s-surprise lagi iyon."

CJ: "I agree."

Ely: "Agree."

Kyoko: "Oh, it's so cool here! Pero saan kaya tayo mapupunta nito? I mean, anong place ang nasa dulo ng path na ito?"

Micaela: "That's what we're about to find out."

Knight: "Therbie, wala pa rin bang text o tawag kay Boss?"

Tiningnan ko ang phone ko at napabalikwas noong bigla iyon mag-ring at nag-flash ang pangalan ni Boss kaya agad kong sinagot ang tawag. Naramdaman ko namang nanahimik ang lahat, pati sina Selene.

Therbie: "Boss! Kanina pa namin kayo tinatawagan--"

Boss D: *You're finally here. Pakisabi sa driver na ibaba kayo sa 10th street. Ciao!*

Therbie: "Sandali-- Boss!"

Bigla ba naman akong babaan ng tawag? At anong sinabi niya?

Belle: 'What did he say?"

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon