Chapter 29 - Last Chapter

202K 3.5K 221
                                    

Chapter 29 - Last Chapter

--

Eina's PoV

"Ano?! Ikakasal ka na?!" Sabay sabay na bulalas ng mga kaibigan ko saakin na ikinagulat ko naman.

Andito nanaman kami sa resto ni Esther. Pinatawag ko silang lahat dito just to announce this to them.

"Yung huling balita lang namin sa'yo buntis ka ah, at ngayon sasabihin mong magpapakasal ka na?" Hindi makapaniwalang saad ni Faye, nagtinginan lang kami ni Esther at napangisi.

"Wow Eina ha." Sabi naman ni Melai. "So sino naman ang lalaking nabihag mo?" Tuloy niya.

"Actually, siya yung ama ng kambal ng pinagbubuntis ko ngayon." Nakayukong lahad ko sakanila.

"What? Akala ko ba sabi mo saamin naki one-night stand ka lang? At 'di mo kilala yung lalaki?" Takang tanong naman ni Antoinette.

I smiled sheepishly at them. "Sorry guys, I lied about that. The truth is, kilala ko talaga yung lalaki."

"Really?! Nakakatampo ka naman pala Eina. Bakit ang dami mong tinatago saamin?" Nagpout pa siya, pero nagsmile. "Anyway, paano naman pla siya nag propose sa'yo?" Excited niyang tanong.

Namula ako sa tanong niya. Ano yun? Sasabihin kong inalok niya ako ng kasal habang binabayo niya ako?

I know his proposal was all too sudden at habang nag-aano pa kami. I don't really care if his proposal is extravagant or as simple as the way he did, what matters to me is that he really wants to be with me.

"Y-you know. The usual, magtatanong siya kung gusto kong magpakasal sa kanya." Sabi ko nalang sakanila.

Nagtilian silang lahat. "Akalain mo nga naman Eina, parang kailan lang nung pinag-uusapan natin kung magkaka-asawa ka pa o hindi na. And here you are! Buntis at pakakasalan ka pa ng nakabuntis sa'yo." Kilig na wika ni Korina. I smiled at her.

"Gwapo ba siya Eina?" Faye.

I held my head up. "Oo naman! Hindi lang gwapo noh! Sobrang gwapo, atsaka yummy pa!" Pagmamalaki ko.

"Talaga?" Sabay nilang sabi lahat. Kita kong naging interisado silang lahat kung ano nga ba ang itsura niya.

"Anong pangalan niya? May picture ka ba sakanya? Kami ang huhusga kung gwapo nga ba or hindi." Antoinette.

Ayaw maniwala ah? Saglit nga, ipakita ko sakanila picture namin nung nasa Baguio kami.

Kinapa ko na ang bulsa ng pantalon ko pero wala yung phone ko. Kinalkal ko na din yung bag ko pero wala din doon.

"Sorry guys, as much as I love na ipakita ang picture niya, nakalimutan kong idala yung phone ko." Pagpapa-umanhin ko sakanila.

"That's okay, may FB ba siya? Pangalan nalang ibigay mo saamin. Isesearch ko nalang." Suhestiyon ni Bevs at kinuha ang phone niya at sinimulang tumipa sa phone niya.

Ngumisi ako. "You know him actually. Lahat ata ng babae eh."

"Stop the suspense, sabihin mo na samin!" Hindi naman makapaghintay 'tong babaeng 'to.

"Okay jeez. Chill ka lang." Lumapad ang ngiti ko. "Si Schneider ang pakakasalan ko." I said to them proudly.

Aba, aba. Isa talaga itong isang bagay na maipagmamalaki. I am marrying Schneider Acosta! How awesome is that!

But my happiness was short lived. Paano ba naman kasi, pagtawanan ba naman ako ng mga hampas lupa kong mga kaibigan? Si Esther lang ang di tumawa kasi alam niyang totoo ang pinagsasabi ko.

The Playboy's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon