Chapter 9

171K 3.4K 142
                                    

Chapter 9

--

Eina's PoV

Iminulat ko kaagad ang mata ko ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na tinignan pa kung sino tumatawag at sinagot nalang ito.

"Hello?" I said still sounding sleepy.

"Where the hell are you? You're late for our appointment." Sabi ng nasa kabilang linya halata sa boses niya na naiirita siya, napatingin ako sa kung sino yung tumawag. It was Schneider. Sabay napatingin na din ako sa orasan ng cellphone ko.

Napabangon agad ako, holy sht. It was almost 11 in the morning. I overslept! First time kong nagising ng ganito ka-late sa umaga. Gosh. Ano bang nangyayari saakin?

"I-I'm sorry. I overslept." I honestly said.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Akala ko sisigawan na niya ako pero hindi. "Just hurry up. May dalawang oras pa naman tayong natira para pag-usapan yung design nung bahay." Tanging sabi niya at binaba na yung tawag.

Agad naman na akong naghanda. Kung bakit ba kasi napasarap tulog ko, I usually wake up as early as 5 in the morning. Hindi na ako naligo, naghilamos na lang ako at tinali ko na din ang buhok ko para hindi masyadong magulo kapag tinignan.

As soon as I was at our meeting place nakita ko agad na may kausap si Schneider. No, scratch that. May kalandian nanaman siya. Kita ko yung pasimpleng haplos nung babae sakanya, pati na din yung pagpapacute niya. I just rolled my eyes.

Pinanliitan ko ng mata si Schneider, enjoy na enjoy naman niya. Hmmp!

I was still watching them for a full minute when he finally noticed me. Tumayo na siya at nagpaalam na dun sa babae, halatang nanghinayang siya sa pag-alis ni Schneider.

Nang makalapit na siya saakin, inirapan ko lang siya at naupo na isang bakanteng upuan dito sa cafe shop.

"Hey. Why are angry? Diba dapat ako pa dapat yung galit kasi ikaw yung late sa usapan natin." Panimula niya. Ako naman, dahil naiirita ako dahil sa hindi ko alam na kadahilanan, hindi ko siya pinansin at inayos lang yung mga kakailanganin namin sa meeting namin.

"Hey. Talk to me." Napatingin ako sakanya at kita kong nakakunot ang noo niya.

"Kung bakit ba kasi ang dami mong nilalandi." I gasped. It was supposed to be just a whisper, pero napalakas ang pagkasabi ko. And that earned a grin form him.

"Selos ka?" Asar niya.

I rolled my eyes. "Tss. As if. Bakit naman ako magseselos?" Our  only relationship here is a mere Architect and a client. 

Nakangising napailing lang siya sa sagot ko. "Alright, if you say so~." Sa tono palang ng boses niya alam kong hindi siya kumbinsado sa sinabi ko kanina.

Sinimulan na namin yung usapan namin para sa design na gusto niya.

"By the way, uhm. If ever." He cleared his throat first. "Since nasabi ko na ang gusto kong disenyo para sa vacation house, would it be okay if I leave the rest of the details to you?" Tinignan ko lang siya ng nagtataka.

"Since we both know I'm a very busy person, at hindi ko na masyadong maasikaso pa yan, at alam ko din naman na magaling ka when it come to the details base from what Pio said." Paliwanag niya saakin. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Uhm, if I may ask. Saan mo pala ito ipapatayo?" tanong ko, come to think of it. Hindi ko pala siya noon natanong tungkol dito.

"Sa Baguio."

"Really? Nice. I always wanted to go there."

"Is that so? Bakit naman?" He casually asked. This is the first conversation we had na walang bangayan, usually kasi lagi nalang may sumbatan. But this time, I kind of like how we are talking right now.

"Baguio is my mother's hometown. That is based on my vague memory of my mother, and also my father." Panimula ko, and it was weird. Kapag mga ganitong usapan iniiwasan ko yung magpapaalala saakin sa mga magulang ko, and here I am, hindi ako nagdalawang isip na magkwento sakanya. "I really wanted to go to Baguio. Gusto kong makita ang lugar kung saan lumaki ang mama ko." Pagpapatuloy ko.

"Buti nalang pala pinili ko sa Baguio."

"What?" Narinig ko kasing bumulong siya, but I didn't hear it.

"Oh. No it's nothing, 'wag mo nalang pansinin 'yun." He cleared his throat. "So, ano palang nangyari sa mga magulang mo?" He hesitantly asked.

I smiled bitterly. "They died while I was still young." As soon as I said it, naramdaman kong napaluha na ako. Dang it, bakit ba naiyak agad ako? Hindi naman ako ganito noon kapag sinasabi ko ito.

Yumuko, agad ako at pinunasan yung mata ko. Dahil sa busy ako sa pagpunas ng luha ko, hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala si Schneider, hawak na niya ang isang kamay ko habang hinahaplos na niya likod ko.

Pagkatapos kong mahimasmasan, hindi na siya nagtanong tungkol sa mga magulang ko.

And right now, hinahatid na niya ako papaunta sa apartment ko. Hindi ko kasi nadala ang sasakyan ko kasi coding nito.

He insisted on taking me home, and in the end hindi na ako nakatanggi sakanya.

Nang malapit na kami sa apartment ko, rinig ko na may kaguluhan, fire truck passed by Schneider's car. Kinakabahan na ako.

Dahil sa direksyon ng apartment ko pumunta ito. Sinabi ko agad kay Schneider na bilisan niya ang pagmaneho.

And I was right, my apartment was on fire!

Lumabas ako sa sasakyan ni Schneider. Napatulala nalang ako, I can't do anything. Lahat ng pinaghirapan ko, unti unti ng nawawala sa isang harap ko mismo.

Tatakbo na sana ako papunta doon, hoping, just hoping that I can save some of my belongings. But a pair of muscular arms wrapped around my waist stopping me from going any further.

"What the fuck Eina?! Gusto mo bang magpakamatay?" Galit na saad niya. But I didn't care, naiyak nanaman ako. But this time humagulgol na ako.

Schneider made me turn to him, agad niyang sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Mas hinigpitan niya ang yakap niya saakin.

"Wala na. Schneider wala na." Sabi ko na tinutukoy lahat ng mga ari-arian ko habang patuloy parin akong umiiyak sa dibdib niya.

"Shh. Tama na. I'm here. I'm here for you." He said trying to comfort me. Kissing the top of my head and rocking me slighly.

--

Schneider was with me all throughout the incident. The fireman told me the cause of the fire was a faulty electric socket one floor below my apartment.

Si Schneider na rin ang kumausap sa bumbero dahil tuliro na ako.

Nilayo na niya ako sa nasunog na building na tinutuluyan ko.

I didn't mind him assisting me back to his car and driving me away from the place.

"Saan na ako maninirahan?" I suddenly blurted out.

"Don't worry about that. For now, I'm taking you with me in my condo where I can take care of you."

--

jnx

The Playboy's BabiesWhere stories live. Discover now