Present 2: Life-taker

Start from the beginning
                                    

Napatitig ako sa kanya. She never changed. Ganon pa din siya, jolly and enthusiastic. Of course, she's still beautiful and sexy.

"Theo?" she waved her hand on my face and chuckled, "You're spacing out."

"Ah, sorry." I shook my head and drank.

"It's okay. Hahaha. But seriously,  Theo," hinarap niya ako sa kanya, "You're much different than before. But don't get me wrong. I mean different in a nice way."

Di ko nalamayang napangiti ako, "In what way?"

"You're much bulkier and strongers than before." she chuckled, "In short, mas naging macho ka!"

Napailing ako habang napapangiti. I was about to respond when my phone vibrated again.

"I think, may inspiration ka noh?"

Napatingin ako sa kanya and somehow, medyo nailang ako sa tanong na yon. Bigla kong naalala si Bless.

"Uhm, oo?"

"Si Sophia ba yan?" nakangiting tanong niya.

"Paano mo nalaman?" pagtataka ko.

"Wild guess, I think?" she shrugged, "Pero kamusta naman kay---"

"Bro!" sigaw ni Pao galing sa medyo malayo, "Nagtext si Phia sa girlfriend ko para itanong kung nasaan ka. Sinabi daw niya. Pasensya na."

Tsk. Hindi talaga siya tumitigil.

I sighed, "Hayaan mo na. Ayos lang."

"Hindi niya alam na nandito ka?" agad na tanong ni Ash.

Umiling ako at uminom.

Mas lumapit siya sa akin at hinawakan ang likod ko, "May problema kayo noh?"

Hindi ko alam kung dapat ba akong magsabi sa kanya pero nang maalala ko kung ano ang meron samin at mga pinagsamahan namin noon, kusa nang lumabas lahat sa bibig ko.

"Sa totoo lang, ako lang ata may problema o kami? Ewan."

"Ano bang problema?"

"Habang tumatagal kasi mas hindi ako nagiging komportable sa mga ginagawa niya. The way she treats me, nakakasakal. Gusto kong mag-enjoy paminsan-minsan ang kaso palagi niyang pinipigil para mag-aral--"

"Para naman pala mag-aral--"

"Oo pero alam mo yun, gusto kong magsaya at kalimutan yang mga stress na yan," napahinga ako ng malalim at napasuklay ng kamay sa buhok, "Kaso minsan, nakakainis dahil hindi niya maintindihan. Alam niya kung anong pinagdadaanan ko, pero eto lang ang naiisip niyang paraan."

"Anong ginagawa mong solution for that?"

I shrugged,  "Being cold? Ewan. Ayaw ko lang sabihin sa kanya dahil masasaktan ko siya. Pero alam ko, nararamdaman niya. Ayaw niya lang magsalita."

"Boring na ba? No thrill at all?" she curiously asked.

Napatango ako, "Nakakasawa lang talaga minsan. At oo, pakiramdam ko nagiging boring na 'tong relasyon namin. Paulit-ulit lang lahat ng nangyayari."

"Kung ganon din naman pala, na parang nahihirapan ka at takot kang masaktan mo siya, why don't you, hmm..." she hesitated, "Why don't you break up with her instead?"

At doon, para akong tinamaan ng kidlat. Break up with her? I--I can't. Alam ko, hindi ko kaya.

"Hindi ko pa kaya," napapikit ako at mabilis inimagine yung mundo ko ng wala si Bless--madilim, malamig, at magulo.

Weird na pakiramdam ko boring itong relasyon namin, na kahit siya walang magawa sa mga nararamdaman ko, na minsan naiinis ako sa pagiging optimistic niya sa lahat ng bahay kahit na sobrang sama na ng mga nangyayari sasabihin niyang may plano ang Diyos at hindi kami pababayaan. Nakakairita pero at the end of the day, I find myself going back to her.

RewindWhere stories live. Discover now