Fourth.

201 6 2
                                    

KATH's POV.

Nandito na kami sa tapat ng bahay ko. Hindi manlang kami nagusap ni Drew. Tahimik kami simula nung sumakay kami sa car niya. Mayaman siya. Naka BMW eh. Comfy yung seat, at halatang malinis siya. Wala akong nakitang kahit isang alikabok. Siguro nga, ganto talaga kapag may pinanghahawakan reputasyon.

*DUG* *DUG* *DUG*

Yan yung tunog ng heart ko. Tapos di pa ako makahinga. Pero may mali talaga. Hindi ako kinikilig. Mahal ko naman siya. Este, crush ko naman siya. Bakit ganto?

"Okay ka na ba dito?"

"Oo naman. Nasa tapat lang ako ng bahay ko. Konting steps lang, nandun na ako. Kaya no need to worry." Nagsmile ako. Sa totoo lang, nanghihina pa ako ngayon. Pero Tuwing tinitingnan ko siya, parang nawawala lahat. Kaso nga lang, after a few seconds, babalik ulit yung panghihinang yun.

"Ibaba nalang kita, gusto mo?"

"Hindi. Ayaw ko." Ayaw ko talaga. Baka may makakita pa samin eh. At sumbongin ako ni yaya kay Daddy. Bawal daw kasi ako sa ibang lalaki -____- kay rence lang dawwww. Pero bestfriend ko lang yun. At etong lalaking to, siya ang dream ko.

"Ah, sige." Hindi siya ngumingiti. Kahit kelan ndi niya ako nginitian na parang talagang masaya. Lahat ng ngiti niya sakin pilit. Mas mabuti nga ngayon eh. Mas nahhurt kasi ako kapag alam kong Fake yung ngiti niya sakin.

Lumabas na ako sa kotse niya, dala dala yung bag ko at sinara ang pinto. Bigla niyang binaba ang bintana nung kotse niya. "Kath! Teka. Ano nga pala number mo?"

What.

What.

What?

WHAT THE?

WHAT THE HELL?

NUMBER KO?

"Ah. Ha?"

"Sabi ko, class number mo. Para maireport ko sa teacher mo."

Akala ko naman kung ano :'''( Akala ko chance ko na to :''( Akala ko magiging kami :''( Akala ko eto na yung way para ikasal kami :''(

Yung heart ko, Ganto naaa -- <////////3 :'(

"Anong kasal?"

JUSKO. NARINIG NIYA YUN?! 0.o

"H-ha. Ah eh. Ikakasal yung friend ko. Sama ka?"

"Ttry ko." AY SHEMAY. Mas patay ako nito. "Joke lang. Di ako invited eh. Ahm, class number?"

"G-14 ako" sabi ko.

"Ah, cge. Ingat ka okay? Text mo ako kapag kelangan mo ng help." Nagsmile siya.

At ako, natutunaw :''') Sinara niya na ang bintana niya at umalis na.

"BINIGYAN NIYA AKO NG PERMISSION PARA ITEXT SIYAAAAA. OMAYGASSSSHHH PWEDE NA AKO MAMATAAAAAAAAY. GRABEEEEEEEEEE" Sigaw ako ng sigaw at talon ng talon. Mejo di na ako nanghihina ngayon. hahaha. ako naaaaaaaa <3

"MAHAL NA MAHAL KITA DREWWWWWWWWWWWWW" Sigaw ko ulit dun sa kotse niyang malayo na. Di naman siguro ako kita nun. Nandun ako sa gilid ng bahay namin eh. "WOOOOOOOOOOOOH"

*tok*

"Ay potek. RENCE? Bakit ka nandito?" 0.o "At pineltukan mo nanaman ako!"

"Ang aga ng uwian namin eh. Atsaka, kinelangan kong umuwi para sayo. Tapos okay ka na pala. Kung makasigaw parang ewan lang. Di kaya mapagkamalang kang baliw?" Tapos tumawa siya. Tawa siya ng tawa.

12938 years later. Tawa parin siya ng tawa. Habang ako, nakatayo parin. At nakatingin lang sakanya. Mabawian nga ito.

*tok* "Ay anak ng kalabaw. Para san yun Kath?" Kumunot noo niya.

"Bangag ka kasi eh. Tawa ng tawa. Pano ko makkwento yun sayo? Lika na nga. Pasok muna tayo ng bahay. At ikkwento ko sayo lahat ng nangyare. Matutuwa ka promise." Ngumiti ako na parang kinikilig. Ngayon, kinikilig na talaga ako. HAHA. Abno ata ako eh.

Nung nandito si Drew, di ako kinikilig. Nung ikkwento ko na kay Rence, dun ako kinikilig. Haaay.

ANYARE SAKEN?

"Sige. Siguraduhin mong matutuwa ako diyan ha?" Ginulo niya yung buhok ka at kinuha yung gamit ko. "Like na. Pasok!" Pumasok na siya at ibinaba ang gamit ko,

"Wow ha, parang bahay mo." -______-

"Magiging bahay ko to, sa future." Kinindatan niya ako. HAHAHA. OMG. Ang cute niya.

"Sge. Mahal ko to ibebenta" Sabi ko at tumawa. Nasa loob na kami pareho ng bahay.

"Sino ba nagsabing dapat ibenta?" Tanong ni Rence.

"Wan ko sayo!" Umupo ako sa sala. Tapos siya, nagdirediretcho sa hagdanan. "San ka pupuntang baliw ka?" Binato ko siya ng unan.

"Aba. Ako pa ang baliw. Ikukwento mo diba? Gusto mo jan? Maririnig ng yaya mo? Haha. Sige" Kinuha niya yung unan tapos tumawa siya, bumaba, at binalik yung unan. Bait noh?

"Hindi, joke lang. Sa taas na tayo." Hininaan ko boses ko. "Baka magsumbong pa kay daddy eh" tumawa ako. Ang baliw ko lang eh no?

Nakarating na kami sa room ko at kinwento ko na ung buong pangyayare. Ako, kilig na kilig.

SUPER DUPER KILIG. Habang tinitingnan ko si Rence. Natutuwa ako.

Pero Si Rence, ang weird. Hindi siya ngumingiti. Di nga manlang siya nakikinig eh. Nakahiga lang siya sa other side nung kama ko. Ako sa tabi niya.

Kanina pa naka tingin 'tong lalaking 'to sa ceiling ng kwarto ko. "Rence?"

"Kath." Sabi niya ng di manlang tumitingin sakin.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim at sinabing "Sa totoo lang? Hindi. Di ako okay."

Lumapit ako at hinawakan yung leeg niya. Di naman siya mainit. Hinawakan ko din yung noo niya, di naman mainit. Eh anong problema nito?

"Im hurt. Emotionally and not physically." Sinarado niya yung eyes niya. Tumutulo ang luha niya habang ako naman, napapaiyak na din.

Nakahiga kami sa kama ko ng nagiiyakan. Parehong nakatingin sa ceiling. Siya, umiiyak siya dahil sa isang reason na di pa niya sinasabi. Ako, umiiyak ako dahil nakikita ko siyang nasasaktan.

Tiningnan ko siya at niyakap. Wala kaming pinaguusapan. Ang alam ko lang, umiiyak ako at umiiyak siya. Na malungkot si Rence. Na malungkot ang pinaka importanteng tao sa buhay ko. Ang bestfriend ko.

Ayaw ko munang makisawsaw sa problema niya. Sasabihin niya naman yun kapag handa na siya eh. Hindi kami yung klase ng magbestfriends na nagpipilitan. Sasabihin namin ang dapat sabihin kapag gusto namin.

Nasasaktan talaga ako ngayon. At lalo na si Rence. Kelangan ko lang talagang maghintay. At kelangan niya munang maiwala ang sakit na nararamdaman niya.

Pero bakit? Bakit siya umiiyak? <//3

It's You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon