Chapter Thirty two

Börja om från början
                                    

Tumaas ang dalawang kilay ko sa narinig ko, "Ano?! Pagod ako! Akala ko magde-date tayo pero kung paglulutuin mo ko ng dinner mo! Mag-isa ka! Matutulog na ako!" De joke. Kung sana masasabi ko lang 'yon ngayon, kaso hindi. Ayokong makipagtalo sakanya katulad kanina na nasa byahe pa kami, baka kasi magkainitan, at mauwi sa bahay. Di ko ata kayang umuwi mag-isa ano?

"Okay. Ano bang gusto mo?" Mahinahon kong tanong. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa pumunta siya sa puting sofa at prenteng umupo.

"Ikaw ng bahala.." Tinaas niya ang dalawang paa niya sa la mesa, may hawak na rin siyang remote at binuksan ang malaking flat screen T.V sa harap niya. "Basta masarap."

Tumango ako saka tahimik na naglakad papuntang kusina. Binuksan ko ang ref para tignan kung anong pwede kong lutuin.

Akala ko pa naman magiging memorable ang pagpunta ko dito sa Tagaytay, akala ko magiging sweet na sa akin si Yosef o kaya magiging okay na kami at babawi siya sa akin dahil sa atrasong ginawa niya sa akin noon. I sighed, akala ko nga lang talaga. 

Napagdesisyonan kong mag-beef Afritada nalang tutal kumpleto naman ang sangkap. Nakapagtataka lang kasi parang wala namang nakatira dito, kumbaga rest house lang ito ni Yosef pero bakit may mga pagkaing nakastock dito? Hmm. Sabagay, baka may tagapag-alaga siya dito kaya malinis at naaalagaan itong bahay. 

Kumuha ako ng sauté pan at pressure cooker, doon ko lulutuin ang sarsa. Papalambutan ko na rin ang baka. Medyo matagal siguro dahil iba ang karne ng baka sa baboy, mas matigas. 

Ready to cook na sana ako, nahiwa ko na lahat ng sangkap na kailangan para sa Afritada kaso, bakit ganito ang kalan ng bahay ni Yosef?! Di-pindot at hindi di-pihit! Paano ba 'to? Baka sumabog ang bahay kapag pinakialaman ko ito! Nagpabalik balik ako sa paglalakad. 

Tatawagin ko ba si Yosef at hihingi ng tulong sakanya? O kakayanin ko 'to at hahayaan nalang sumabog ang bahay na 'to na ubod ng ganda? Anong gagawin ko?! 

Sumilip ako sa sala, relax na relax na nanonood si Yosef. Malamang na kapag inistorbo ko siya dahil lang sa hindi ko alam kung paano paganahin ang stove niya, magagalit sa akin 'yon!

Nagsimula ulit akong magpalakad lakad hanggang sa napagdesisyunan kong i-try intindihin ang stove. Nakita ko ang on/off button na madalas kong makita sa T.V, remote, sa cellphone kong 3210 at sa kung saan man.

Huminga muna ako ng malalim saka mabilis na pinindot ang buton, lumayo rin ako kaagad dahil baka sumabog. Nagulat ako ng may mga numbers na lumabas! Ano 'to?! Bakit may ganito?! Lalo akong nagpanic. "Yo-yo-Yosef!!!!" Napasigaw na ako dahil sa takot. 

"Sht!" Mabilis akong nakarinig ng yabag papunta sa kusina. "What happened?" Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mga kamay ko at sinuri ito na parang may hinahanap. "Asan? Nahiwa ka ba?" Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sakanya, nakita ko kung paano siya mag-alala sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, that moment naramdaman kong may care at concern sa akin si Yosef. 

"Anry? What happened?!" May halong inis at pag-aalala ang mukha niya. Napapikit pikit ako, "A-ano k-kasi.." 

Ako Ang Future Baby Mo! [ongoing]Där berättelser lever. Upptäck nu