Chapter 14

37 1 0
                                    

Bella's POV

Halos ilang linggo na rin ang nakalipas at nanliligaw si Hunter sa'kin. Bawat araw ata ng panliligaw nya ay mas lalo ko syang nagugustuhan, pa'no ba naman kasi, halimbawa susunduin ako, tapos may dalang flowers and chocolates. Or di kaya, susunduin ako after ng practice namin tapos kakain sa labas. Ewan ko, pero bawat gawin nya para sa'kin ay kinikilig na agad ako. Masasabi ko talaga na komportable ako pag kasama sya. Feeling ko safe ako, walang mangyayaring masama. Buti na lang din ay nagkakasundo sila ni lola. 

Dumating na ang NSP, kinakabahan ako. Sa school namin gaganapin, dahil kami ang may pinakamalaking dome sa lahat ng international schools. 

"Bella, magbihis ka na. After ng dalawa pang schools ay tayo na ang susunod."  Sabi sa'kin ni Daniella.

Tinanguan ko ito.

Maya maya ay nagtext si Hunter sa'kin.

Hunter

Nervous? If so, don't be. Kaya nyo yan. Goodluck! :) I'll be watching you :) 

Ako

Slight. I know. Kami pa. Hahaha Thanks! Anyways, goodluck din sa game nyo tom! I'll be supporting and watching you din :) Hehe

Mejo kinakabahan ako. Dahil baka mamaya ay hindi na kami ang maging champion,lalo na last year na namin.

Hunter

Really? Cheer for me and don't forget to shout my name ah :) Hahaha 

Ako

Hahaha ona ona. :)

Hindi na sya nagreply pa. 

Naglagay na kami ng make up at inayos pa lalo ang sarili. Ang suot namin ay blue sa gilid at black naman sa likod at harap, nakapalda kami. Itinali namin ang aming mga buhok. Nagpractice lang kami ng isa pa para marefresh ang mga steps. Kinakabahan na talaga ako. Halos lahat ng international schools ay naandito at manonood. Isang school na lang at kami na ang susunod.

(See picture sa side)

"Guys im so nervous. Paano kung magkamali tayo?" Kabadong sabi ni Daniella.

"Ano ka ba. Basta pag may nagkamali sa'tin, then continue lang. Wag nyong ipahalata na nagkamali kayo. " Sabi ko sakanila para mabawasan ang kaba.

"Magready na kayo dahil malapit ng matapos ang Milward Institute, tayo na ang susunod." Sabi sa'min ni coach Ting.

Natapos na ang isa pang school at sunod na kaming tinawag.

"And now, let's all welcome, the next performers, the Forbeshigh International University!!" Sabi ng host.

Narinig namin ang hiyawan at sigawan ng mga tao. 

"We can do this! Last year na natin 'to! Let's do our best guys!! " Sigaw ko sakanila at saka kami lumabas. 

Nakita ko ang napakadaming tao. Halos lahat ay nakatingin sa'min. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Lalo akong kinabahan dahil naaninaw ko ang grupo nila Hunter na nakatingin sa'min, at nakakunot ang noo nito. Bakit kaya? Nakita ko din ang mga photographer at mga judges.

Pumunta na kami sa aming pwesto at nagsimula na. 

"Forbeshigh --- International --- University." Hiyaw namin habang tinataas ang kamay.

"WE GOT THE P.P.O.P.O.W.E.R WE GOT THE POWER WHOA!"

"WE GOT THE POWER WHOA (While doing the wave)"

Fear of falling inlove..againWhere stories live. Discover now