Chapter 2

69 0 0
                                    

Bella's POV

Sabado ng umaga. Nagising ako ng masakit ang ulo at katawan ko, Siguro ay dahil sa kalasingan ko kagabi. Wala akong masyadong maalala sa nangyari. Ang naaalala ko lang ay may lumapit saakin na lalaki. 

Naligo at nagtoothbrush ako at pagkatapos ay bumaba na din ako. Buti naman nauwi nila Daniella ang kotse ko, kung hindi patay ako nito.

Nakita ko si Lola Victoria na nakaupo na sa mesa at hinihintay ako.

"Goodmorning hija, halika na, breakfast is ready." Sabi niya saakin.

"Goodmorning Lola." Tumango ako sakanya at humalik sa pisngi.

"Bella, where have you been? Nagalala ako sayo kagabi. Saan ka ba nagpunta?" Nagaalala nyang tanong habang nakatingin sakin. 

"Uh. Sorry Lola, nagkayayaan lang. Dont worry, next time na magkayayaan po ulit kami, i'll inform you agad." Sabi ko sabay tango nya. 

"Ay bago ko makalimutan,  maggrogrocery ka diba? " Tanong nito sakin.

"Yes Lola. Why? May ipapabili po ba kayo? You can tell me." Nakangiting sabi ko.

"Wala naman. Naisip ko lang ay baka masakit ang ulo mo, pwede ka namang hindi tumuloy muna. "  Sambit niya.

"No Lola. Im okay. Kaya ko." Sabi ko.

Oo nga pala, naalala ko na maggrogrocery ako ngayon dahil inutusan ako ni lola noong nakaraang araw. Tutal ay wala naman akong gagawin at hindi na masama ang pakiramdam ko ay pinili ko na maggrocery na. 

Nandito na ako ngayon sa S & R para maggrocery. Kumuha ako ng ng cart at nagpunta na sa aking destination. Maya maya ay may bigla na lang nagsalita.

"What a small world!" Sambit ng lalaki.

Tumingin ako sa lalaki at bigla itong naging pamilyar saakin. Tama! Sya nga, si Hunter! Ang napakamanyak at mayabang na kabatch ko. Hayy nako. What a small world talaga. Sa lahat pa ng pagkikitaan, dito pa sa grocery. 

"Stalker ba kita?"  Mataray na sabi ko sakanya sabay taas ng isang kilay.

"Excuse me. Hindi mo ako stalker. Tss. Sa lahat ng babae, bakit ikaw? " Ngumiti ito na para bang nangiinis.

 "Anong ginagawa mo dito?" Napahiya ako sa isinagot nya. Pero kakapalan ko na din mukha ko para hindi halatang napahiya ako. Isa pa, gusto ko lang makasiguro na hindi nya talaga ako sinusundan. Bwisit. Sayang cute ka pa naman. Tss. 

"Anong bang kadalasan ginagawa pag nasa S & R? Diba naggrogrocery? Chaka isa pa, sinamahan ko lang younger brother ko para maggrocery no.Teka baklit ba ang taray mo sakin? "

"Hindi mo ba talaga tanda ang ginawa mo sakin kagabi?" Pangaasar ko sakanya.

Tumingin ito sakin ng nalilito at para bang nagtatanong.

"Minanyak. Minanyak mo lang naman ako kagabi! " Nagulat sya bigla ng sumigaw ako. Biglang naginit ang dugo ko ng maalala ang ginawa nya. Wala akong pakielam kung may tumingin samin na iba. Buti nga sakanya. 

"Kuya! I cant reach the cereal over there. " May bigla na lang nagsalita na parang bata. 

Pagkatalikod ko ay nakita ko ang nakakabatang kapatid ni Hunter na may tinuturo.

"Okay. I'll get it for you. Hey Bella. Mauna na kami. See you soon, babe." Pagpapaalam nito sakin sabay kindat. 

May pagkamanyak pala talaga tong mokong na to. Pero infairness, cute sya huh. Lalo na nung kumindat sya. Pero excuse me, di ako cheap na babae na makukuha sa ganun ganun na lang. 

Nagbayad na ako para makauwi na din. 

Pagkauwi ko ay pinaayos ko na ang mga pinamili ko kay Ate Daphne and ate Neng. 

Nagpunta ako ng kwarto at nahiga. Naaalala ko nanaman si Hunter. Cute talaga sya, makikita mo ang hubog ng katawan nito. Hindi ko maitatanggi na gwapo nga sya lalo na nung ngumiti. Maya maya ay hindi ko na namalayan na naipikit ko na ang mga mata ko, marahil ay sa pagod at sa maaga akong nagising. 

~~~~

Hi readers. Pls support may story :) Vote and comment :) This is my very first story, sana magustuhan nyo. If you have any suggestions for my story, feel free :) 

- clar

Fear of falling inlove..againWhere stories live. Discover now