Chapter 4

69 0 0
                                    

Dedication

Selcouthlady :)

Hi Nikki!!! :D First comment :) Thank you for reading :)

~~~~

Bella's POV

Nagising ako ng mga 6pm. Bumaba ako para kumain at bumalik na sa aking kwarto para makapagshower. Pagkatapos kong magshower ay nagtext sakin si mommy na magskype daw kami. Habang inaantay ang tawag nya ay naisipan ko munang buksan ang facebook ko. As always madaming notifications, messages at friend requests.

Tiningnan ko ang mga notifications ko. Pagkatapos ay ang friend requests naman.

48 friend requests.

Tiningnan ko isa isa dahil hindi naman talaga ako mahilig magadd ng hindi ko kilala. Pero may isang nakaagaw ng pansin ko. Inaadd pala ako nitong Hunter Speil. Naisip ko, iaaccept ko ba?

Hindi ko alam kung bakit pero inaccept ko na din ang friend request nya. Sabagay kahit papaano ay kilala ko na din sya at parehas kami ng school.

Tiningnan ko ang profile nya. Wala naman masama diba?

"Talaga ngang gwapo at maganda ang katawan nya." Bulong ko sa sarili ko. Nakita ko kasi ang mga pictures nya. Isa na dito ang nakatopless sya na suot lang ay boardshorts. Meron din na nakatag sakanya na siguro mga nagpapapicture sakanya.

Hi Hunter!! Ang cute mo talaga! <3

Ang hot mo kuya!! Hart hart

Hunter my labs!! 

Kuya Hunter!! Akin ka na lang :">

"Malandi talaga." Naiinis na bulong ko sa sarili ko. Pano ba naman kasi, puro wallposts ng babae ang nasa profile nya.

Nagulat na lang ako ng may biglang nagchat sakin. Si Hunter!!

H: Hi *with matching kaway hand emoji*

Ano ba tong kumag na to. Ang feeling close. Nagreply ako.

B: Hi 

H: Thanks for accepting. I thought hindi mo na iaaccept request ko, Kanina ko pa kasi inaantay eh :)

Yung totoo. Sinabi ko bang iadd nya ko para di na sya maghintay? Psh. Pasalamat nga sya inaccept ko pa friend request nya eh.  Bwisit. Hindi ko na lang sya nireplyan. Nabadtrip ako sakanya eh.

H: Maganda ka nga :) 

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Uminit na lang bigla ang pisngi ko. Alam ko naman na maganda ako eh.

B: Tss alam ko na naman yun eh.

H: Bakit ba ang sungit mo sakin? Ikaw na nga tong pinupuri ikaw pa tong may ganang magsungit? Hahaha

Talaga bang nangaasar sya?

H: Joke lang! To naman, masyado kang seryoso eh. Haha. Sige see you sa school babe ;)

Magrereply pa sana ako ng bigla na lang syang nagoffline.

At bigla na lang tumawag si mommy sa skype at sinagot ko ito.

Monday na naman. I hate mondays.

Bumangon na ko, naligo at kumain.

Humalik ako sa pisngi ni Lola Victoria bago ako umalis.

Pagkababa ko ng kotse ay naainaw ko ang grupo nila Hunter na papasok din. Bigla akong kinabahan. Teka, bakit ba ko kinakabahan? Wala naman akong ginawa ah? Dumirecho na lang ako at nagkatinginan kami sabay ngisi nito sakin.

Fear of falling inlove..againOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz