Chapter 13

47 0 0
                                    

Dinededicate ko 'tong chapter na 'to sa inyong lahat, sa mga readers ko :D

Thank you!!!!! naka 300+ reads na ang FOFIA :D 

Thank you for reading :) 

- clar

Bella's POV

Monday na naman. Aral then practice na naman. Nakakainis, hindi na 'ko masyado nakakasunod sa mga pinag-aaralan namin dahil sa practice ng cheering. 

Hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyari kahapon. Hindi ko ba alam kung macoconsider ko iyon as our first date or hindi.... Hmmm.. Hindi na lang. Kasi nakasama pala namin dun sila Daniella. Gusto ko kasi yung kaming dalawa lang ni Hunter. Char!

"Ma'am Bella, anjan na po si Sir Hunter." si ate Daph pala ang pumasok sa kwarto ko.

"Sige po ate, pasabi na lang po pababa na ako." 

Nagsuot ako ng floral pants, janoski at aeropostale na shirt at bumaba na rin.

"Goodmorning" Napatayo ito ng makita ako na pababa.

"Goodmorning. "

"Nagbreakfast ka na?" Agad na tanong ko, baka kasi mamaya hindi na sya nakabreakfast dahil sinundo nya ako.

"Yep. Ikaw ba?" 

Nginitian ko ito at tumango.

"Ate Daph, si lola po?" Hindi ko nakita si lola ngayon. Minsan kasi ay gising na ito.

"Ma'am nasa kwarto pa po nya, tulog pa po ata."

"Sige po, pasabi na lang po na pumasok na 'ko."

"Sige po Ma'am. Ingat po."

Pinagbuksan ako ni Hunter ng pinto. Cute!! May pagkasweet talaga sya. 

Pagkauwi kasi namin kahapon ay agad nyang sinabi sa'kin na from now on, susunduin nya na 'ko dahil nga manliligaw na sya, pero syempre hindi ako pumayag, hindi naman pwede na lagi nya akong susunduin, kaya sinabi ko na minsan, pwede nya akong sunudin.

Nakita kong may kinuha sya sa back seat... chocolate... na hershey's cookies 'n cream, take note, isang pack! Omg fave chocolate ko yon! Sweeet nya talaga! Ikaw na! Hahahaha echusa. Pero paano nya nalaman na iyon ang favorite ko?

Kumuha sya ng isa.

"I know fave mo 'yan." Sabay bigay sa'kin.

"T-thank you! Paano mo nalaman na ito ang fave ko?" 

"Ako pa. Magaling ako eh." Sabay ngisi.

"Tss. Paano nga?"

"Secret." Atsaka ito pumasok sa kotse. 

Tss. Ayaw pa sabihin. Pero grabe ang sweet nya!! 

"So how's mamita?" Tanong nya sa'kin habang derecho ang tingin sa daan. 

"She's good. Okay na okay din kami." 

Tumango ito at nagkwentuhan kami ng kung ano ano pa habang kinakain ko yung binigay nya. Buti hindi ito natunaw.

Ng makarating kami sa school ay sabay kaming naglakad at pansin ko na andito na naman 'yung mga tingin ng tao. 

Bati na sila? 

Fear of falling inlove..againWhere stories live. Discover now