Chapter 5

72 0 0
                                    

Bella's POV

2pm ng natapos ang last class namin. Ngayon naman ay kailangan na namin magpractice ng cheering para sa competisyon. Pumunta kami nila Daniella at ng iba pa sa taas ng gym para makapagsimula na. Nakita ko sila Hunter at ang iba pa niyang teammates na nagtraitraining din dahil malapit na din ang laban nila. Oo nga pala, sabay sabay ang laban namin. Nakita kong napatingin sila samin habang naakyat.

Nagpalit kami ng boy-cut shorts at sports bra.

Nasa unahan ako pati na din si Coach Ting kaharap ng mga cheerleaders. 

"Kailangan mas maging attentive kayo at alerto. Hindi na ito basta basta. Mas madaming magagaling na teams ngayon. Kaya natin to diba?" Sabi samin ni Coach Ting.

Napatango naman kaming lahat. 

"Okay girls, kailangan natin ulit magchampion. This is our last year,kaya dapat ay wala tayong sayangin na oras. Okay?Kaya natin to." Sabi ko sakanila.

"Kaya yan!! Woo!" Sigaw ng iba kong kasama.

Nagsimula na kaming bumuo at itinuro ito sa kanila. 

"Okay pumunta dito yung mga tagabuhat and yung sa tumbling naman sa kabilang side. Dito naman yung mga natira." 

Isa ako sa mga bubuhatin. Sila Daniella naman ang sa tumbling. 

Makalipas ang ilang oras ay nagpahinga muna kami.

"Okay. Mamaya na ulit natin itutuloy. Water break muna." Sabi ni Coach Ting samin.

Kinuha ko ang baon kong tubig at umupo sa isang side. Nakita ko naman na sumunod sa akin sila Daniella. 

"Isa to sa mamimiss ko paggraduate natin." Paiyak na sabi ni Stevie.

"Same here. Lahat sila mamimiss ko, yung sigawan moments lol Hahahaha." Sabi naman ni Chloe.

"O Bella, andito pala si Hunter." Nabigla naman ako sa sinabi ni Daniella. At bakit naman kaya sya nandito? Wag nya sabihing wala nanaman syang maupuan? Naalala ko din tuloy ang ibinulong nya sakin kaninang recess. Narinig ko nanaman ang mga bulong bulongan ng iba kong kasamahan. 

Ano bang meron sakanila ni Bella? 

Bakit lagi ata silang magkasama?

Ano ba yan,sana ako na lang pinuntahan nya. Huhu

"Hi girls" Nakangiting bati niya.Nakasuot sya ng jersey at may tuwalya sa kanyang balikat habang hawak hawak ang isang color Blue na gatorade.

"O hi Hunter. May training pa kayo diba?" Agad na bungad ni Daniella.

"Ah oo. Nagpahinga lang din kami ng konti. Hi Bella." Umupo ito sa may tabihan ko. Tumingin at ngumiti ito saakin ng nakakaloko. Naamoy ko ang kanyang pabango. Nakakalasing. 

"Ba't ka nanaman ba nandito? Ano wala ka nanaman bang maupuan?" Inis na sabi ko sabay irap.

Hay wala talagang magawa. Uminom ulit ako ng tubig at nagpunas ng mukha.

"Chill, ayan ka nanaman eh. Antaray mo talaga lagi, lalo na sakin. Sabi nila you're nice, pero bakit sakin lagi kang nagtataray?" Mapangasar itong ngumisi. Sya pa talaga may ganang magsabi nyan ah. 

"Huh? I just asked you kung bakit ka nandito ah? Wala naman masama dun. Tss" 

"Ayan nanaman kayo eh. Para kayong Tom and Jerry. Hay. Sana naman kahit ngayon lang magkasundo kayo." Mahinhin na sabi ni Chloe.

Fear of falling inlove..againWhere stories live. Discover now