Chapter 10

42 1 1
                                    

Bella's POV

"Hijo, if I'm not mistaken, your parents are the famous Arch.  George and Lea Speil?"

Kumakain kami ng dinner at si lola naman ay panay tanong ng kung ano- ano kay Hunter.

"Yes po, Mamita"  Comportableng sagot ni Hunter.

"So how are your parents doing?" 

"They're  doing good. Nasa London po sila ngayon. " 

"That's good! How did you and Bella meet by the way?" 

Nakain ako ng biglang naitanong ni lola 'yon kay Hunter. Nabigla tuloy ako.

Bago pa makasagot si Hunter ay inunahan ko na ito.

"Ah Lola! Sa.. sa.. sa school po! He's my schoolmate." Mabilis na sagot ko rito.

Tumango lang ito.

Maya maya ay nagsalita ulit si lola.

"Magbestfriends kayo hindi ba?" Sabay tingin kay Hunter. Si Hunter naman halatang gulat na gulat. 

"Uh. O-opo." Nauutal nitong sagot.

"Tell me, how's Bella as a bestfriend? Or a girl-bestfriend?" 

Napatingin ng walang reaksyon saakin si Hunter.  Pinanliitan ko ito ng mata, baka kasi kung ano-ano ang sabihin nito kay Lola.

"Mmm. She's a good friend po. Everyone in school likes her because of her attitude, down-to-earth, friendly, everything. Kaya naman po i'm so lucky to have a friend like her." 

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito.

"Really? Good to know. Pag dito kasi sa bahay, she's really loud, at madalas na para syang bata kung kumilos."  Napapatawang sabi ni Lola.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni lola. Errr. Nakakahiya! Ba't pati iyon kailangan nyang sabihin? Alam ko naman 'yon eh. Na madalas, malakas akong kumanta lalo na pagnagshoshower ako, na maligalig ako and nagaact ng immature, pero seriously, kailangan ba ilabas ang baho ko? Lola naman.

"Lola!!!!!" Pabulong na sigaw ko kay lola.

"Talaga po? Hahahahahah. Nice Belle, hindi ko alam na may ganyang side ka pala. Hahahahaha." Natatawang sabi ni Hunter.

Si lola naman ay tango ng tango habang natatawa.

Hindi ko na lang sila pinansin at umirap kay Hunter.

Naisip ko lang, cute cute ng smile ni Hunter. Lalo na pati yung suot nito na dry fit. Kita mo ang figure nito. Ano ba 'to. Gusto ko na ba sya? Biglang naghuramentado naman ang dibdib ko.

Natapos ng dinner na puno ng tawanan. Akala ko nga nung una, hindi magugustuhan ni lola si Hunter kasi lalaki 'to. Ayaw kasi ni lola ng may umaaligid saakin na lalaki dahil gusto muna nito akong makatapos ng studies at pati na rin ayaw nya akong masaktan. Dati kasi iniwan ni lolo si lola kaya simula noon pati ako inilalayo na nya sa mga lalaki. Hindi ko naman sya masisisi. Pero ngayon, buti na lang. Si Hunter lang ang nakapagpatawa ulit ngayon kay lola. Kasi pagmay napunta sa bahay na lalaki, mostly sinusungitan ito ni lola. 

~~~~

"Hey thank you pala for the dinner. Sobrang nagenjoy ako." Sabi saakin ni Hunter habang papalabas ng pinto. Hindi na ito sinamahan ni lola dahil gusto na nitong magpahinga.

"No worries. Thanks din. Alam mo ba, ikaw na lang ulit ang nagpatawa kay lola ng ganyan? Hindi na kasi sya pala tawa ngayon eh. Thank you." Sabay ngiti ko dito. 

Fear of falling inlove..againDonde viven las historias. Descúbrelo ahora