Chapter 33

17.3K 268 1
                                    

Chapter 33: Won't

Lumipas ang araw na walang ginawa sila Jade kundi manood ng movies, mag-gala at maglaro. Minsan ay binibisita nila akong dalawa sa opisina.

Si Drew, sobrang hands on kay Jade. Nakakatulog agad dahil sa pagod. Sinuklay ko ang buhok niya at hinalikan naman sa noo si Jade.

"Why didn't kiss me?"

Napaawang ang labi ko na agad ko namang tinikom. Lumunok ako at agad na tumalikod para maisara na ang pinto sa kwarto ni Jade. Bumuga muna ako ng malalim na hininga tsaka umalis doon para makapunta na ako sa kwarto ko.

Uuwi ako ng maaga bukas. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sariling kainin ng antok.

Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba ako para magkape. As usual, maaga akong gumising para hindi matraffic mamaya.

"Manang, kape nga po!"

Habang sinusuklay ang magulong buhok. Umupo ako sa couch sa living room. Humikab ako at pumikit. Dumilat ako at mukha ni Drew ang bumungad saakin. Bago ko pa mailayo ang mukha ko ay agad niyang hinalikan ang labi ko. Smack lang ang ginawa niyang halik.

"Good morning..." Bati niya.

Napalunok ako. Tumikhim ako at tinignan siya.

"Good morning." Bati ko pabalik.

Ngumiti siya at tumayo. Napatingin ako sakaniya. Nakaluhod pala siya. Sabagay, matangkad naman siya kaya naabot niya pa rin ang labi ko. Kinuha niya ang isang tasa na may lamang kung ano.

"Hot chocolate." Inabot niya ang tasa.

Umiling ako. "Kape ang gusto ko."

Tumagilid ng bahagya ang ulo niya at tinignan ako bago umiling iling.

"No." Sabi niya ay inabot ang hot chocolate saakin.

Ngumuso ako at tinanggap iyon. Inihipan ko muna bago sumimsim. Nakatingin lang siya saakin na parang may ginawa akong mali.

"What?" Kumunot ang noo ko.

Ngumuso siya at umiling. Umupo siya sa tabi ko at tinignan lang ako.

"Ano nga?" Inis kong tanong.

Itinuro niya ang pisngi niya. Uminit ang pisngi ko ng maalala ang palagi niyang ginagawa kapag nanghihingi ng halik sa pisngi.

Lumapit ako sakaniya para halikan ang pisngi niya. Pero bago pa lumapat ang ay humarap siya kaya ang ending, sa labi niya lumanding ang labi ko.

Hinapit niya ang beywang ko palapit sakaniya. Gumalaw ang labi niya. Hinayaan ko siya hanggang sa bumitaw siya sa halik.

"Hmm... I missed you so much." Sabi niya. "Sige na. Ubusin mo na yan. Sasama kami ni Jade sa'yo."

Hinaplos niya ang pisngi ko. Ngumisi siya bago umalis para umakyat sa taas.

Tinotoo niya ang sinabi dahil pagbaba ko ay nakabihis na sila ni Jade.

Ngumuso ako. Tumayo si Drew at kinarga si Jade. Inayos niya ang jumper habang nasa bisig nito si Jade.

Inaya na kami ni Jade para makarating na daw kami. Nang makarating ay pinagtitinginan pa rin si Drew ng mga waiters at waitresses. Minsan nga ay naaubutan ko pa silang nagbubulongan at kinikilig.

Binati nila kami. Ngumingiti lang ako hanggang sa makapasok na kami ng opisina. Binuksan ko ang laptop at binasa ang mga emails. Umupo ako sa swivel chair. Nagre-request ang isang costumer na dagdagan ang menu para sa filipino foods. Ngumuso ako. I really do need a chef na pure pilipino. Huminga ako ng malalim. You can do it, Jan. Kaya mo 'to.

A Love that Bring Us BackWhere stories live. Discover now