Tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako doon. Dinampot ko iyon at sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang tumawag.

"Hello?"

"Good morning, Jan." Bati ni Lucas.

"Lucas? Bakit ka napatawag?" Tanong ko.

"Pupunta sana ako sa mansyon. Naiwan ba si Jade?"

"Hindi e. Kasama ko siya." Sagot ko.

"Uh... Can I go there?" Tanong niya.

"Oo naman." Tumango tango ako kahit hindi niya naman nakikita.

"Okay. Thanks. See you there." Aniya bago ibinaba ang tawag.

Ibinaba ko ang cellphone at tinignan sila Drew na nakaupo sa couch at nanonood sa iPad niya.

Hiyaan ko na lang sila at nag-email sa mga kakilala kong chef kung may kilala sila magaling sa mga pinoy foods. Tahimik ako hanggang sa dumating si Lucas.

"Papa!" Tawag ni Jade.

Napatingin ako sakanila. Hinalikan ni Jade ang pisngi ni Lucas at niyakap ang leeg nito.

"How are you?" Tanong ni Lucas Kay Jade.

"I am fine po." Sagot niya at ngumiti. "Papa, kasama ko po pala si daddy ko."

"Really?" Sarkastikong tanong ni Lucas.

"Opo! He's kind and caring. And Sweet!" Sabi ni Jade.

Ngumiti lang si Lucas at lumapit sila saakin. Ngumiti siya. Ngumiti ako ng tipid at huminga ng malalim.

"Problem?" Tanong niya.

"Wala naman..." Sagot ko.

"Sure?" Paninigurado niya.

Tumango ako. Ibinaba niya si Jade sa gilid at umambang hahalik sa pisngi. Umiwas ako at tiniklop ang laptop. Tumikhim ako at hinarap siya ng nakangiti.

"Buti at napadalaw ka. Kamusta ka na?" Tanong ko.

Ngumiti siya. "I'm fine. Busy lang noong nakaraang araw."

Tumango tango ako. Inayos ko ang mga papel sa table ko. Pumunta naman sila sa couch at nanood nalang ng tv. Tahimik silang dalawa ni Drew at nagsasalita lang kapag kinakausap ni Jade.

Napagdesisyonan kong magpadala ng tanghalian para saamin. May balak pang umalis ni Lucas pero pinigilan ko. Sabi kong dito na lang siya kumain.

Napatingin siya kay Drew kaya tumingin na din ako sakaniya. His eyes were cold. Tumango siya kaya nag stay si Lucas para dito na kumain.

"Oo nga, papa. Siguro hindi ka na kumakain doon." Sabi ni Jade. Tinutukoy ang isang kainang pinuntahan nila.

"Hmm... Wala akong kasama e. Next time, sama ka?" Nakangising tanong ni Lucas Kay Jade.

"Opo!" Sagot naman niya.

Ilang sandali pa kami naghintay bago bumukas ang pinto at iniluwa noon si chef Shane na tulak tulak ang cart na may mga pagkain. Nakangiti siya ng lumapit. Napawi lamang ito ng tuluyan na siyang nakalapit at nakita kung sino ang mga narito.

"Drew?"

Napatingin ako kay Drew na nakataas ang isang kilay. Nakasimangot siya.

"Hindi mo na ba ako naalala?" Tanong niya.

"Bakit sino ka ba?" Balik tanong ni Drew.

Ngumuso si Chef Shane at bumuka ang bibig para sana sa sagot pero tumikhim ako.

"Gutom na kami. Please, mamaya nalang kayo magkwentuhan." Singit ko.

Tumango siya. "Sorry po, ma'am."

Tinanguan ko lang siya. Sinuri ko si Chef. She looks pale. Parang may sakit na ewan.

"Kumain ka na ba, Chef?" Tanong ko.

Umiling siya at ngumiti.

"Ganyan ka ba ka busy para hindi mapakain ang sarili mo." Napawi ang ngiti niya. "Kumain ka na. Join us."

"Hindi na po..."

"Sumabay ka na saamin. Mukha kang may sakit." Sabi ko.

Ngumuso siya at tumango lang din naman. The awkward silence filled us. Si Jade lang talaga ang palaging nagsasalita. Hinayaan ko na nga lang. Payapa namang natapos ang tanghalian namin. Umalis din naman si Lucas. Nagtawag din ako ng waiter para tulungan si Shane.

"Maraming salamat po, ma'am." Ngumiti siya.

Tumango ako. Bumalik ako sa swivel chair ko at binuksan ang laptop. Busy nanaman si Jade. Siguradong tulog 'to mamaya.

Si Drew ay nasa harap ng lamesa ko tinignan lang ako. Tumayo siya at lumapit saakin. Napatingin ako sakaniya at pinagtaasan ng kilay.

"Magkakilala pala kayo ni Shane?" Tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Not really. Hindi ko alam kung ano pangalan niya."

"Shane, Drew. Shane." Pinandilatan ko siya.

"Whatever." Sabi niya bago yumuko para gawaran ako ng halik sa pisngi.

Napairap ako.

"Ang hilig mo manghalik." Mahina kong sabi sakaniya.

"Well, get use to it, Jan." Sabi niya. "You know, I like kissing you. And you are mine, and I won't share."

Ngumisi ako at hinalikan siya sa pisngi. "I won't too."

A Love that Bring Us BackWhere stories live. Discover now