chapter ten.

100 3 9
                                    

"i-ikaw?"  tanong ko sa kanya.

di pwede. s-si Aya yung hinatak ko kanina eh?

"oo. ako nga. tss."

"pero si Aya yung hinatak ko." sabi ko na parang sarili ko naman talaga ang kausap ko.

"kung si Aya nga ang hinatak mo, edi si Aya ang nandito. tss"

"sungit talaga."

"ano yon?"

"wala" sabi ko, di pa rin nakatingin sa kanya. kelangan ko nga palang magsorry sa taong to.

"Sorry nga pala, Irvin"

ang tagal niyang sumagot kaya inangat ko na ang tingin ko sa kanya.

ginalaw niya ang labi niya na parang pinipigilan ang pag ngiti pero di niya rin naman napigilan yun.

shemay. nakangiti ba talaga si Irvin ngayon?

err. nako, Irvin. tigil tigilan mo nga ang pagngiti mo na yan. di mo alam kung ilang puntos ang nadadagdag niyan sa pagkagwapo mo.

ano ba yang sinasabi ko?

"b-bat ka tumatawa?" sabi ko na nagtataka.  nakita ko kasi na di na lang siya nakangiti. tumatawa na.

oh gosh. sinong nagsabing walang himala?

iniharap niya sakin ang isa niyang kamay na parang sinisenyas na sandali lang at antayin ko siyang matapos sa kakatawa samantalang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa tiyan niya. tuwang tuwa lang?

"eh kasi nakakatawa ka" sagot niya sa tanong kong 5 minutes ng nakapending "akala mo kamay ni Aya yung kamay ko." at bumalik na naman siya sa pagtawa niya.

imbes na sumagot ay nag-iwas na lang ako ng tingin. totoo naman kasi yung sinabi niya. di ko lang alam kung bakit siya natatawa.

"malambot ba ang kamay ko? "

napatingin ako sa kanya dahil sa tinanong niya.

agad din akong napaatras dahil narealize ko na sobrang lapit niya na.

"kaya akala mo si Aya kasi ang lambot ng kamay ko diba? "

naramdaman kong uminit ang mukha ko. shit. si Irvin ba talaga to? sinong sumanib dito?

tumawa ulit siya pero tumigil din kaagad. ngayon nakaupo na siya sa isang bench.

napatingin ako sa paligid. madilim. walang ganong ilaw. malayong malayo sa nakikita ko kanina sa plaza. parang di fiesta sa lugar na to. san na ba kami nakarating?

"pero seryoso, ang lambot ng kamay mo"

napatigil ako sa sinabi niya. kahit madilim dito ramdam ko ang lalong pagpula ng mga pisngi ko. natatakot ako na makita niya.

kung sino man ang sumanib kay Irvin lumayo ka na. please. di na nakakatuwa.

hindi nga ba?

napapikit ako sa iniisip ko. seriously sinabihan lang ako ni Irvin na malambot ang kamay nagagwa ko ng kontrahin ang sarili ko. psh. masama na to.

narinig ko ulit ang pagtawa niya. niloloko ba ako ng lalaking to?

"niloloko mo ba ako?" tanong na lumabas na sa bibig ko bago ko pa mapigilan.

"ha! muka ba akong manloloko?" oh really. seryoso ba siya?

tinalikuran ko na siya.

"totoo nga kasi yung sinasabi ko."

hays. ibalik niyo na yung dating Irvin please.

so eto na yun? eto ba yung sinasabi ko kanina na naffeel ko na magandang mangyayari ngayong gabi?

hell no.

"t-tara na nga." pag-iba ko sa usapan tapos diretso na kong naglakad.

"chill. kala mo naman alam mo kung san ka pupunta" napatigil ako dahil don.

asan na nga ba kasi kami?

haharap na sana ako sa kanya para tanungin kung asan kami nang naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko...

dahil nakapatong ang braso niya sa balikat ko.

di ako makagalaw.

"b-b-bi" sinara ko na lang ang bibig ko. shit. di ko man lang masimulan ang sentence ko.

"dito kasi ang daan" sabi niya at lumiko ng daan. naka-akbay pa rin siya sakin kaya parang dala niya ang buong katawan ko kasi di ako makagalaw.

ano ba yan.

naramdaman niya siguro na di ako gumagalaw, na di ako kumportable kaya tinanggal niya din ang kamay niya sa balikat ko.

mabagal pa din akong maglakad. habang siya normal lang. pero bumabagal din ang lakad niya na parang inaantay niya akong maabutan siya.

nakatingin ako sa likod niya habang naglalakad.

wag.

di pwede.

nasan na yung Irvin na masungit. yung suplado. yung lagi akong sinisigawan.

ayoko. wala to sa plano.

yung promise.

si lolo.

yung kwintas...

siguro kung iiwas na ko, mas magiging madali ito.

prevention is better than cure.

pati pala sa pag-ibig maiaapply ko 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cupid's GranddaughterWhere stories live. Discover now