chapter five.

180 7 4
                                    

*booog* 

alam niyo ba kung ano yung tunog na yun? 

well, ako lang naman yun, 

ako na nahulog sa kama.

tama ang basa niyo. yung katawan ko na ata ang mismong gumising sakin. 

pano naman kasi nung gumapang ako papunta dun sa bedside table ko at tinignan kung anong oras na.... 

NAIYAK AKO.

8:00am -- ang assembly time namin sa DU

7:00am -- ang usapan kung anong oras ba ako susunduin ni Tita Nancy dito sa bahay. 

and guess what kung anong oras na...

6:50 LANG NAMAN!!!

NAIIYAK NA KOOO!

Bakit pa kasi naimbento ang alarm clock kung hindi naman gumagana. 

eh baka naman hindi ko narinig? (_ _)

Bakit kasi may tenga pa ko kung di rin naman gumagana. 

uyy, peace tayo Lord. ^_^V joke lang po yun. wag niyo po ako gawing binge. 

As usual, ginawa ko na kung ano ang mga dapat kong gawin...       sa pinakamabilis na kaya ko..

tumigil nga kayo! MABANGO PA DIN AKO NOH! XD 

nakapagbihis na ko ng uniform ko nang marealize ko na hindi pa ayos yung gagamitin kong bag. OHMYGGGG! 

kuha ng gamit dito. kuha doon. kung ano ano na lang yung kinukuha ko tapos pag narealize ko naman kung ano yun tinatapon ko na lang sa kama ko. muntik ko na ngang madala yung panty ko eh. hehe. buti na lang narealize ko. woooo! 

di pa ko tapos sa pag-aayos ng gamit ko ng may narinig na kong doorbell. 

GAAAAAAAHHHHH! andyan na sila. 

pumunta ko sa bintana ng kwarto ko at sinilip sila sa baba. nanduon si Tita Nancy tapos nasa likod niya yung driver niya. kinuha ko na yung cellphone ko at nilagay sa bag ko tapos kinuha ko yung brush at madaling bumaba sa hagdan habang nagsusuklay ng buhok. ayyysssh. basang basa pa. - ___-

disaster na naman ba ang first day ko? TT__TT

nakarinig na naman ako ng doorbell sign na dapat na magmadali na talaga ako. 

"Andyan na po!" madali kong nilock ang pinto tapos lumabas na sa gate.

"Goodmorning po Tita!" ^_^ Isang BIG smile ang kasabay ng pag-goodmorning ko sa kanya. 

"Hahaha. Are you ready for your first day in your new school? :D" 

ready na nga ba ako? "I think so?" 

"wag ka mag-alala. magiging masaya ka don, I promise. Sige na pumasok ka na sa kotse at baka malate pa tayo. hindi natin alam kung trafic ba o ano. " tumango na lang ako kay Tita. kung titignan siya, muka talaga syang mayaman. 

pumasok na sya dun sa shotgun seat ng Ford Everest niya samantalang ako binuksan ko na rin yung pinto nung passenger's seat. 

nagulat ako nang may isang lalaki ang nakita ko. anak siguro sya ni Tita Nancy.

"Hi" sabi ko dun sa lalaking nakashades. OO. NAKASHADES sa loob ng kotse na medyo tinted naman. di kaya bulag to? :/

umupo na lang ako at sinarado yung pinto. Di naman kasi niya ako pinansin eh. Ni hindi man lang ako nilingon. Ang gandang welcome nun sakin diba?

Cupid's GranddaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon