chapter one. PROMISE.

243 9 1
                                    

"apo, tapos na ang kwento ko. gumising ka na dyan!" 

"apo. gising na. tapos na ang kwento ni Lolo"

hmm. hsnucrhfcefsnskdhe

hmmm? 

OH!  

napagising kagad ako nang marealize ko kung anong ginawa ko. huhu. 

"aaah. lolo. hehe. pasensya po."

"May magagawa pa ba ako? hahaha. sanay na ako sa tuwing tinutulugan mo ko sa kwento ko"

"Lolo naman po kase, paulit ulit talaga? joke lang po." 

"alam mo naman ako. gustong gusto kong kinukwento ang labstori ko." sabi sakin ni lolo habang nakangiti sa kawalan. akala mo nagdedaydream. haha. 

"nakakatampo naman kayo. Lo eh. magkukwento na nga lang kayo ng labstori, hindi pa yung lovestory nyo ni lola. lagot kayo kay lola, sasabihin ko nga dalawin kayo nun." 

"hay nako, ang apo ko talaga" niyakap naman ako ni lolo "alam ng lola mo kung gaano ko sya kamahal. pero sabi ko naman sayo may iniwan akong pangako kay Cecilia, at ang mga pangako..."

"di dapat napapako." ako na ang nagpatuloy ng sinasabi ni lolo. napahawak at napatingin naman ako sa necklace na bigay nya sakin. locket eto na may partner na key para mabuksan kaya hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong nasa loob nito. 

"Lo, sa tingin niyo? kelan ko po kaya sya mahahanap?" tanong ko kay lolo. 

"Apo, wag mong hanapin, dadating din sya. basta pag dumating sya ipangako mong ipaglalaban mo ah?"

ngumiti muna ako kay lolo bago nagsalita "syempre naman po, pangako ko po yan!" 

"osya! pupunta muna ako sa kusina para ayusin yung hapunan natin." tumango na lang ako bilang tugon sa sinabi ni lolo. 

tumayo na din ako at pumunta muna sa may garden. papahangin lang. masyado na kasing late kung pupunta pa ako sa Star Park kahit medyo malapit lang sya dito. umupo na ko sa isa sa mga swing dun. ako mismo ang nagpalagay nito dito. 

teka parang may nakakalimutan ako? 

HAHA. galing ko talaga. nakalimutan ko magpakilala. 

Hi Friends! :D Ako si Mara Cecilia Florentino Santiago. 16. Pero you can call me Macey. ^_^ Describe myself ba kamo? Hmm. Di ako magaling sa ganyan pero sabi nila maganda daw ako. yun na yun okay? . ^^V De, di man sa pagmamayabang pero may mga suitors ako. normal lang naman yun eh. highschool life, right?

Family? solong anak pero close ako sa mga pinsan ko. parents ko sila Cecile Florentino at Wilfred Santiago. ulila na 'ko sa Daddy ko. 5 years old pa lang ako namatay na sya dahil sa isang engkwentro. yep, pulis po ang tatay ko. Kaya ayun, close na close tuloy ako sa Lolo ko, kay Lolo Tommy. 

Alam niyo ba mahal na mahal ko yung Lolo ko na yun. at ayaw ko na madissapoint sya sakin. kaya gusto kong tuparin yung promise ko sa kanya. yung tungkol sa locket thingy. alam niyo naman yun diba? 

Sa totoo lang minsan nagtatampo talaga ako eh. Pa'no, parang nakaset na yung future ko. Daig ko pa yung naka-fixed marriage eh. kasi ako di ko alam kung sino ba yung lalaking may hawak ng susi dito sa locket na to tapos pag hindi ko pa yun nagawa eh mamanahin pa yun ng magiging anak ko. haaaaays. 

pero sabi ko naman sa inyo, mahal ko si Lolo. :) 

Onga pala, kung itatanong niyo kung nahawakan din ba ni Mommy yung locket, syempre naman, oo. sya lang kasi ang nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid. :> 

well... 

a promise is a promise.

Pwede ba pag nakita niyo yung lalaking may suot na susi na necklace pakisabi sakin? malay niyo magfit. hahaha. corny. -___-

Cupid's GranddaughterWhere stories live. Discover now