chapter eight.

118 5 4
                                    

*knock knock*

"Anak?"

"hmm?"

*knocks*

"Anak!"

"Waaah!!" bigla akong napaupo sa kama ko dahil sa sigaw ni mama at sa lakas ng katok niya.

nakatulog na pala ako? 'O´

"Opo! Saglit!" sigaw ko pabalik kay Mama habang hinanap ko yung tsinelas ko.

"Ma, bakit po?" sabi ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto.

"Kaya pala di ka bumababa dahil natutulog ka" eh wala akong remote, di tuloy ako makapanuod ng TV. "Onga pala. Aalis muna ako ha? pupunta muna ako sa Lolo mo."

"Po? Pwede ba akong sumama?"

"Anak, gabi na. may pasok ka pa bukas. Mapapagod ka lang. at Saka, bumubuti na naman daw ang lagay ng lolo mo eh"

"Eh namimiss ko na po siya kausap. Okay lang po sakin mapagod, sige na ma?"

"Macey, anak, wag nang makulit. sige ka, paano si Rachelle. wala siyang kasama dito. Kanina pa nga siya walang kausap sa baba eh."

"Sige na nga, Ma. basta bukas po didiretso na lang ako dun galing school"

"ikaw na bahala, basta alam mo kung pano pumunta dun ha?"

"Okay Ma! Byye! :) Ingat ka po. :))"

"Sige, anak. mag-ingat din kayo ni Rachelle dito. bumaba ka na din ha?"

"opo"

inayos ko lang yung kama ko. pagtingin ko sa relos. 9pm na.

Kaya siguro di na ko pinayagan ni Mama.

Bumaba na din ako. Kawawa naman si Rachelle dun eh.

"Aba!" bungad sakin ni Rachelle "Buti naman bumaba ka na, malapit na atang mapanis yung laway ko dito tas iniwan pa ko ni Tita dito mag-isa." 

"Nako ha! Sa daldal mong yan di ata pwedeng mapanis laway mo" 

"Ewan ko sayo. Parehas lang tayo noh." at tumawa lang kaming dalawa na parang baliw. 

"Hmm. Kwentuhan mo naman ako." -sabi sakin ni Rachelle

"kwentuhan? tungkol san naman?" 

"Syempre sa New school mo."

"Uhm. Okay naman. Maganda yung facilities. Pang mayaman talaga. Bat ba interesado ka ha?" 

"Hello?! DU yun noh. Dove University. Dream School ng lahat ng taong may alam nun. Sana nga ako na lang yung na-drop para ako na lang yung nag-aaral dun. Haaays! Swerte mo girl!" 

"OA mo na naman. teh? Dream school ng lahat ng tao? Hmm. sabagay dream school ko naman talaga yun" 

"AT hindi mo man lang naisip na isang araw makakapag-aral ka pala dun. Oo naman noh! Dream school talaga yun. Dream school kasi maraming Dream Boys. Soooo... marami bang gwapo ha?"

"Meron syempre" 

"eh ilang taon?"

"16"

Cupid's GranddaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon