CHAPTER 11 - Bump

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh, kanina ka pa ba, ate?"

"Nah,c'mon, I'm already hungry."

Umupo na siya sa tapat ko at inilapag niya rin muna yung cellhpone niya sa tabi ng plato niya. Nagpray muna kami bago kumain then sinumulan ko ng lamutakin ang pagkain ko.

But I stopped when I noticed her texting while eating. Ibinaba ko muna yung kutsara't tinidor ko at tiningnan siya ng seryoso.

"Sariah," tinutok niya ang ulo niya sa akin but her eyes are still focused on her cellphone. Napaface palm na lang ako sa ugali niya.

"It's ungraceful to eat with your cellphone, present on where you are." Natigilan naman siya sa sinabi ko at parang nagsad face ang mukha niya.

"Ate, pakilagay naman ito sa bag ko, thanks." sabi niya sa isang maid habang inaabot yung cellphone niya sa kanya. Sumunod naman yung maid then kumain na lang kami ni Sariah.

Nauna akong natapos kumain kaya iniabot ko na sa mga maids ang platong ginamit ko at nagtooth brush na rin. Nung matapos akong magtoothbrush, nadatnan kong kumakain parin si Sariah. Tsk. Ang kupad naman nitong kapatid ko. Kanino kaya nagmana itong pagong na 'to?

Nung paalis na sana ako, nadaanan ko yung table na kinakainan namin at muntik ko nang makalimutan yung package na nasa ibabaw lang rin ng table. Tiningnan ko muna iyon at inikot ikot.

Sinamahan ko na rin ng onting alog alog at inamoy amoy pa siya.

"Uhm, ate? What are you doing? Are you a dog?" I stared at Sariah that made her continue her food faster. I mean, a little faster. But the move is still moderate to me. And a dog? I'm pretty sure yun yung creature na nagbigay sa akin nito- si Drew.

"Open it, Miss Serene." Napatalon ako sa gulat nang marinig kong magsalita si Drew sa may likuran ko. Hinampas ko sa kanya yung package and I just seriously looked at him in irritation. Kainis.

But he got a point.

Binakbak ko na yung cover nung package at nang matanggal ko na yung cover, I felt a soft black cloth. Nagtaka pa ako kung ano 'yun kaya inunfold ko yung cloth at nanlaki ang mata ko nang makita kong isang maid outfit ang lumitaw.

At sa kamalas malasang pagkakataon, i unfold it and it looked like I am fitting it.

"PFFT....."

Napalingon ako kay Sariah with my shocked face dahil sa package at para siyang nagpipigil ng tawa. Lumingon din ako sa likuran ko at nakita ko ring naka-grin si Drew kaya nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

What now?

"AHAHAHAH!~ BAGAY SA'YO ATE! AHAHAHAHA PARA KANG COSPLAYER." Mamatay-matay na humalakhak sa pagtawa itong si Sariah at kahit si Drew ay tumatawa na rin ng tahimik.

Cosplayer? Me? Ahahah! That's a funny joke. I hate anime's, I hate tv, I hate technology, I hate everything.

"Heh! Ewan ko sa'yo Sariah! Kumilos ka na nga at malalate ka na! Tara na nga, Drew." Ibinato ko sa kanya yung maid outfit at dumiretso na ako sa livingroom para kunin yung mga hinagis kong helmet at backpack ko.

Sumunod na si Drew palabas habang tinutupi niya yung maid na damit ko.

Binuksan ko yung backpack ko at inoffer kong ipasok niya yung damit sa bag ko. Pinasok naman niya at sumakay na sa motor niya. Sinabit ko na yung bag ko sa likod ko at sinuot na yung helmet.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon