Nahiga na kami pareho ni Es sa kama. "Bringing back our college days huh." Natawang wika niya saakin, I smiled. That's true, madalas kaming mag overnight kasama pa ang mga barkada namin, nung mga panahon pa nun iilan palang ang may boyfriend saamin .

Pero ngayon ngang may kanya-kanya ng pamilya ang iba hindi na kami nagkakaroon ng overnight na katulad ng dati. Busy na lahat. How I wish we could bring back those days.

"Oo nga eh, sayang dalawa nga lang tayo." Kahit papano ay nawala ang sakit na naramdaman ko dahil kay Es.

"Tulog na nga tayo, masama sa mga baby mo kapag nagpupuyat ka, 'wag ka ding malungkot okay? Baka mastress ka pa. Bawal mastress si buntis. Hayaan mo na yung lalaking 'yun." I nodded at her and I closed my eyes and I let sleep take over me.

"Good Morning Buntis!" Masayang bati saakin ni Esther, I smiled at her, nasa kusina siya habang pinapakain ang anak niya.

I smiled at her at naupo malapit sakanila. I made face nung napatingin saakin ang anak niya. Natawa naman ito sa ginawa ko.

I've been staying with them for a week now, nahihiya na nga ako pero piniit ni Esther na dito muna ako at siya ang magbabantay saakin lalo na't kambal ang pinagbubuntis ko.

"Eina, kailan ka last na pumunta para sa check-up mo?" Tanong niya saakin habang pinapakain parin ang baby niya.

Now that I think about it. "Nung last month pa yun Es, nung sinamahan mo ako." Ang bilis naman ng araw.

"Ganun? Bakit hindi ka pa nagpacheck-up ngayong buwan?" Kunot noong tanong niya.

"I-I've been busy." Bakit nga ba nawala sa isip ko na magpacheck-up. Stupid me.

Humarap na siya saakin. "Hindi 'yan pwede, kailangang every month ka pumupunta at magpacheck-up."

"O-okay. Sige mamaya pupunta ako."

She smiled. "Samahan kita, ipapaalaga ko muna kay manang si baby." Suhestiyon niya at pumayag naman ako.

Schneider's PoV

After I said those things to Eina, I regretted it immediately kaya naman ay babalikan ko na sana siya para mag-sorry kaso nanlumo ako ng wala na siya sa condo.

I cursed myself over and over again. Me and my unreasonable thinking. Lumabas agad ako sa condo para hanapin si Eina, kinakabahan ako.

Shit! Tangina talaga! Kulang nalang magwala na ako because of the frustration I'm feeling right now. Saan na ba siya?!

I was very thankful ng tumwag saakin si Pio at sinabing nasa kanila si Eina. I was relieved that time, nauwi na ako sa condo para makapagpahinga. I'll give Eina time to cool off, and if that time comes kakausapin ko na siya.

Nahiga na ako sa kama, it feels fucking empty. I miss her already.

Maaga akong bumangon at naghanda ng sarili ko, liliban ako sa trabaho ko ngayon. I'm the boss so I'll do whatever I want.

I parked my car near a house which I know where Pio is living. Medyo malayo ako para hindi ako makita.

I just want to know if Eina is safe. I've been doing it for a week now.

Ilang oras din akong nandito naghihintay kung lalabas na ba si Eina. Inip na inip na akong makita siya, kailan ba siya lalabas? Or pwede din naman akong pumasok sa bahay para makita na siya.

Pero baka galit pa siya saakin kaya pinipigilan ko ang sarili ko.

Lumipas ang ilang minuto ng makita ko ng lumabas si Eina, parang sumaya naman ako ng nakita ko na siya. Pero kulang parin, I still need to hug her and better yet kiss her.

Kasama niya ang kaibigan niya which I know is Pio's wife. Pumunta sila sa garage at sumakay sa isang mini cooper. I started the engine of my car and followed the car.

I made myself as distant as possible para hindi nila ako mahalata. And medyo napatigil na ako ng makita kong nagpark na sila sa isang tapat ng building.

Nagpark na din ako doon pero may kalayuan parin ang sasakyan ko sa sasakyan na ginamit nila.

I looked at the sign of the building.

OB/GYN CLINIC

Anong ginagawa nila dito? Buntis ba kaibigan niya at sinamahan niya dito?

Kaunti lang ang tao ngayon kaya agad silang naka pasok sa isang room. Gugustuhin ko sanang makapunta sa room na pinasukan nila pero makikita nila ako kapag ganun.

Medyo natagalan din sila sa room na pinasukan nila kanina, but after that I saw them enter another room kasama ang isang doctor. And I got the chance to go near that room at tumayo malapit sa bukana nito.

"As I can see, your babies are healthy Ms. Cristoval." Malapit lang sila sa pinto kaya rinig ko ang pinag-uusapan nila.

"I'll just remind you again ms. Cristoval. You should have a healthy diet, and should still avoid stress as much as possible." Marami pang pinagsasabi 'yung doctor pero wala na akong marinig sa iba pa niyang sinasabi.

Ms. Cristoval. Si Eina 'yun. Siya ang buntis?

Buntis si Eina. Ilang ulit na nasabi ko sa isipan ko.

Eina's PoV

Nagpasalamat na kami ni Esther sa doctor at nalabas na kami sa building. Nang palapit na kami sa kotse ni Esther, natigilan ako ng makitang may nakasandal doon at mukhang tuliro.

Agad akong kinabahan ng makita na niya ako. Bumilis ang tibok ng puso ko ng papalapit na siya saakin.

Galit na galit siya, bakit nanaman siya galit? Umalis na ako sa condo niya ah. Atsaka anong ginagawa niya dito?

He was breathing heavily nang makalapit na siya saakin, "Why Eina?" He said through gritted teeth.

Nagtaka ako sa tanong niya. "What? Ano nanaman baa ng ginawa ko sayo at galit ka saakin? Umalis na ako sa condo mo."

"Why didn't you tell me?!" Nagulat nanaman ako sa pagsisigaw niya. Pero naalis 'yun agad dahil nainis na din siya dito.

"Wag mo nga akong sinisigawan?!" Paninigaw ko din sakanya.

Hinilamos ni Schneider ang mukha niya. Sabay seryosong tumingin siya sa mga mata ko.

"Why didn't you tell me you are pregnant?! Bakit hindi mo sinabi na magkakaanak na pala tayo?!"

Napaawang ako sa sinabi niya.

--

jnx

The Playboy's BabiesWhere stories live. Discover now