Chapter 2

2.3K 29 4
                                    

Xian's Pov

Ramdam ko ang matalim na titig niya na tumatagos hanggang sa pinaka kadulu-duluhan ng kaluluwa ko.

Kahit hindi ko tingnan ang kanyang gwapong mukha alam ko na puno ng pagkamuhi ang kanyang mga mata..

Lalayo na sana ako mula sa aking pagkakabunggo sa kanyang matigas na dibdib ng bigla niyang hapitin palapit ang aking bewang

"My Ex-Bitch Wife is here huh? Anong problema Iniwan ka ba ng mga lalake mo? Oh sawa ka na sa kanila kaya bumalik ka sakin, Bakit di ka ba nila napaligaya sa kama? "

Sobrang sakit.

Pero alam ko na doble ang sakit na naranasan niya dahil sa mga sinabi ko nung araw na iniwan ko siya .

Oo iniwan ko siya.

Iniwan ko siya hindi dahil sa nag sawa o may ibang lalake ako..

Hinding hindi ako kailan man tumingin sa iba, siya lang ang lalaking nakauna at gusto kong maging huli ko.

Iniwan ko siya para sa ikabubuti niya,
iniwan ko siya dahil mas gusto ko ang ideyang kamuhian niya ako na nasa kanya parin ang mga bagay na pinaghirapan niya, kaysa sa ideyang magkasama kame pero unti unting nasisira ang mga pangarap niya.


Tandang tanda ko pa kung ano ang tunay na dahilan...


"Pxiantine Versoza Leave that Simon Dominic Rodriguez alone."

Mariin ang bawat salita na binitiwan ni dad.

"Pero dad i love him and we're married!" Halos humagulgol nako sa harap niya.

"You married that asshole without my permission for godsake Pxiantine! Ano ang pinakain sayo ng damuhong 'yon na pati ako na sarili mong ama ay Sinusuway mo?!"

namutawi sa buong mansion ang boses ng aking ama at panay naman ang ngisi ng stepmother ko na nasa likuran lamang nito.

Hindi maganda ang turing nito simula pa lamang ng maging kasintahan ito ng aking ama.

My mother died when I was seven years-old because of an accident at lubos ang pag papanalangin ko na sana naandito na lang siya ngayon para ipagtanggol ako sa walanghiya na stepmother ko na walang ginawa kung hindi bilugin ang utak ng ama ko

"I'm sorry dad I love him at hinding hindi ko iiwan si Simon."

I really hate the idea of losing the only Man na nagpapatunay na mahalaga ako and we already plan our future together I can't leave him. Never.

"Sinusubukan mo talaga ako. Anong ipinagmamalaki mo ang lintik na kumpanya ng asawa mo? You know me very well Pxiantine i can make him suffer. Kayang kaya kong pabagsakin ang pinaghirapan ng asawa mo."

Halos manlumo ako sa narinig ko.

Yes, i know my dad very well sa galing at impluwensiya niya sa larangan ng Business Industry walang duda na kaya niyang pabagsakin ang kumpanya ng asawa ko lalo na't nagsisimula pa lang ito.

Napaluhod ako. As i said I really hate the idea of losing him pero mas hindi ko kakayanin na bumagsak siya at ang dahilan pa ay ang aking ama kaya..

"Okay dad just give me some time and i will leave him, but please don't do anything on my husband's Company."

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at malamig na tumitig sa aking ama at umalis na.

This is the last time that we will see each other dad Sana ma realize mo ang pambibilog na ginagagawa sayo ng asawa mo.

My Heartless Ex HusbandWhere stories live. Discover now