L.004 - "LAST HEARTBREAK"

6 0 0
                                    

Why do I always look up to you even though you are not going to be mine? Why do I believe in signs even though you aren't still going to be mine? Why do I keep on praying for us to be together yet it still seems that you're still not going to be mine? But, why do I keep on loving you even though it's hopelessly impossible for you to be mine?

"Sana nga sa akin ka na lang" - ang parati kong naiisip at nahihiling. Dahil bakit pa kasi ako nahulog sa taong katulad mo na hindi naman ako pansin. Oo, alam ko na pansin mo 'ko like we talk, we laugh, we joke around and play pranks at each other. Pero, alam ko kung ano lamang yung tingin mo sa'kin. Kasi pansin mo lang ako bilang isang kaibigan...

"Rinnnnnn!!!!!"

Malayo ka palang dinig na dinig ko na ang mala-megaphone mong sigaw na pawang microphone ang almusal mo kanina.

Liningon ko ang pinanggalingan ng ingay at tama yung hinala ko. Nakita ko ang taong kanina pa sigaw ng sigaw sa pangalan ko't masayang tumatakbo papunta sa aking kinaroroonan.

Ang lalaking binanggit ko ay si Nathan o mas tinatawag kong "Nate"...

"Rin.. Bro!" hinihingal niyang sigaw sabay akbay ng palakas sa'kin. Akala ko 'rainbow' sabi niya lol.

"Bro!" sabay ko naman sa trip niya habang iniinda yung sakit galing sa biglaan niyang pag-akbay. Syempre, babae kaya ako! 'Di nga lang halata sa pagtawag ni Nate sa'kin dahil ang complete name ko ay Irene...

"Okey ka lang?" tanong niya. Itong taong 'to, patay malisya talaga.

"Aba't nagtanong ka pa? Kung sabihin ko sa'yo yung totoo na masakit naman talaga yung ginawa mo..." aniya ko habang nakakunot ang noo.

"Ah ganun ba? Hindi ka na nasanay... haha" tawa niya, "'Di nga? Eh kung masakit, sorry na... please, patawarin mo na ako" saad niya at ngumuso. Bigla niya namang pinisil-pisil yung pisngi ko...

"Oo na... oo na..." aniya ko habang palakas nang palakas na yung tibok ng puso ko na parang sasabog na anumang oras! Dug dug dug dug dug dug 100x and infinity~ Why are you doing this to me kasi Nate? Why are you tempting me to fall for you kahit pinipigilan ko because, I know - I'm only a friend to you... "Keri na bes, na-forgive na kita!"

"Ayieks... salamat bes" isa rin ito sa mga katangihan ni Nate kasi alam niyang magpatawa para mapasaya lang ako.

Walang masyadong nakakasundo na mga kalalakihan si Nate kasi aniya karamihan sa mga nakilala niya ay mga basagulero at mahahangin naman. Choosy siya sa mga kaibigan niya kaya ang tanging makasundo lang niyang lalaki ay si Damon na pinsan ko. Minsan nga napapagkaalamang bakla si Nate pero I dare you to know him better. Good lang talaga siya kaya nga na-fall ako sa kanya.

Habang sabay kaming naghihintay sa pila ng canteen ay biglang nagtanong si Nate...

"Rin" tawag niya, "May itatanong nga pala ako sa'yo..."

"Ano 'yun?" aniya ko habang naktuon ang aking atensyon sa listahan ng presyo ng mga pagkain na nakasulat sa isang white board

"Kung sakaling ma-inlove ako, susuportahan mo ba ako?"

"Siguro"

"Kung sakaling may liligawan na ako, tutulangan mo rin ba ako?"

"Depends. Haha"

"Kung sakaling iiwan na kita, pipigilan mo ba ako?"

And right at this moment, I've decided to turn my back facing him and stare deeply into his eyes. Para akong binaon at inilibing sa core sa tanong niya. What does he mean by that? Dapat ko na bang sagutin 'yon - as in ngayon na? Agad-agad?? Pwedeng next question please? At bakit ba ganyan lang yung titig niya? Parang inosente lang - yung mukhang wala siya ginawa?

IF THESE LAST - "Lasts Collection"Where stories live. Discover now