L.003 - "LAST HOPE"

21 1 1
                                    

Ilang oras na ako sa ginagawa ko at kahit kailan, hindi pa ako natatapos. Kung hindi isang blangkong papel ay isang gusot na papel naman...

"Gumana ka naman oh!" I screamed with frustration.

Totoo nga siguro ang sabi nila na basta't pagdating sa pag-ibig - hindi na ang utak ang umiiral kundi kusang ang puso na. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto kong isulat... It's already 11:11 in the night and my letter for her is not yet done!

For her...

I'm not a secret admirer, neither a suitor...

But my heart is already taken by the most beautiful person I've ever seen in my whole life and I'm doing all of this for her. Gusto kong parati ko paring pinaparamdam sa kanya na nililigiwan ko siya kahit kami na...

Hope...

She is truly a very sweet girl. I consider myself very lucky for having her in my life. Para sa akin, isa siya sa mga pinakamaganda at mahalagang regalo na binigay ng Panginoon sa akin. Kaya gagawin ko ang lahat para lamang mapasaya siya.

She loves me...

I love her...

We really both love each other...

And I wouldn't let anyone ruin our love. Because she is everything to me that I'll treasure and hold on forever the most.

Napaigtad ako ng biglang mag-vibrate at tumunog ang aking telepono. Tinignan ko ang caller ID at si Miro pala, isa sa mga kaibigan at kabarkada ko.

"Ano ba?" nababagot kong tugon, "Nakakaistorbo ka ah!"

"Eto naman, chill lang... ang effort mo talaga d'yan noh?" tukso ni Miro.

"Talagang effort... Pake mo brad!"

"Ano ba kasi ang ginagawa mo ngayon? It's 11:20 in the night - like in the freaking night!"

"Eh anong gusto mo? Matulog na ako? Kaano-ano ba kita? Mama ko?" saad ko, "Atsaka tinatapos ko pa 'yung letter ko kay Hope..."

"Letter? As in yung love letter? May babasa pa ba dun?" tanong niya.

"Bakit ba ang pakialamero mo? May babasa man o wala, problema na nila 'yun. Atsaka alam ko naman kahit ano man ang ibigay ko kay Hope, ma-aapreciate niya. 'Yun 'yung importante, hoi!"

"Sige na, ikaw nagsabi eh!" aniya, "Siya nga pala, tumawag ako sa'yo para talaga sa mga bulaklak. Anong oras mo ba 'yon ipapadala sa venue?"

"Ganun ba? Siguro mga 3:00 ng hapon para eksaktong maayos at maarrange nina Rush at Dean 'yung lugar at matapos sa dalawa at kalahating oras..."

"Sige sige. Makakaya 'yan! Support kami sa iyo, Gio! Galingan mo ha?"

"Para naman akong sasali ng kompetisyon..eh aanyayahin ko lang naman si Hope ng date..."

"Kahit na... Hahaha kinakabahan ka nga hala" aniya at tumawa ng malakas.

"Putragis! Sige na, umalis ka na nga! May tatapusin pa ako. Loko!" pinindot ko na yung end call button habang sa kabilang linya ay tawang-tawa parin si Miro.

Pabalik-balik ang tingin ko mula sa wall clock hanggang sa blangkong papel na nasa aking harapan. Ilang ulit ko ring tinapik-tapik ang papel gamit ang ballpen at yung mukha ko parang 'di na maitsura. Kailangan ko pa namang matulog ng maaga para 'di ako aantukin bukas. Patay na!

Inisip ko nang malalim ang mga sandali na kasama ko si Hope at ang mga bagay na nais kong sabihin sa kanya... Para na lamang may isang 'light bulb' na biglang umilaw sa tuktok ng ulo ko!

IF THESE LAST - "Lasts Collection"Where stories live. Discover now