"Enrique hindi sa ganon—"


"Okay lang Kath. Basta wag mo na lang akong kausapin pa." Enrique.


"Enrique naman..."


Bigla niya akong niyakap at mabilis umalis sa harap ko.


Biglang dumating sila Julia, "Girl naka-salubong namin si Enrique galing dito. Namumula yung mata niya, ano ginawa mo?" Kiray.


"Umamin na siya sa'kin."


"Na ano? Na mahal ka?" Julia.


"Oo...." Mahina kong sabi.


"So wala na yung friendship niyo? Kasi sure akong sinabi mo na may gusto ka ng iba." Yen.


"Siguro wala na at ayaw niya na ako kausapin pa."


"Nasaktan talaga siya Kath." Kiray.


"Hindi ko na alam gagawin ko."


"Hay nako, Kath. Just go with a flow ka na lang." Julia.


"Kaya lang baka ikwento ni Enrique kay Daniel." Kiray.


"Wala na akong magagawa pa kung ikwekwento niya kay Daniel."


"Okay lang yang, Kathryn. Pabayaan mo muna si Enrique kasi masakit na masakit para sa kanya yung pag-reject mo sa kanya." Yen.


"Uwi na tayo?" Julia.


"Tara."


"May date kami ni Neil mauna na kayo." Yen.


"Buti pa kayo ni Yen at Kiray may lovelife." Julia.


"Una na ko."


Habang nag-aabang ako ng jeep sa waiting shed may tumabi sa'kin na lalaki.


"May naka-upo ba?" Tanong niya sa'kin.


"Uy, ikaw pala yan. Wala sige upo ka na."


"Oh bakit uuwi ka na? Wala ka bang game?" Daniel.


"Wala. Hindi naman ako mahilig sa sports."


"Ah. Hindi ka na papasok?" Daniel.


"Hindi na."


"Anong team ka ba?" Daniel.


"Orange fox, ikaw ba?" Tinanong ko pa rin kahit alam ko na kung ano yung team niya.


"Red Phoenix." Daniel.


"Oy DJ!!" Tapos lumapit siya sa'min, "Andito ka lang pala hinahanap ka ni Ma'am."


"Ah sige Zharm sunod na lang ako." Daniel.


"Bilisan mo." Tapos umalis na siya,


"Ayie! IBALIK IBALIK!" Tapos ngumiti ako sa kanya.


"Anong ibalik ka diyan. Wala naman ibabalik, Haha! Sige, una na ako." Daniel


"Sige bye!" Sumakay na din ako ng jeep.


Nag open agad ako sa facebook pagka-dating ko sa bahay.


Julia Montes: Bilis namin mag online ah..


Kiray Celis: Wala naman kasing magawa dito sa bahay.


Kathryn Bernardo: Papasok kayo tom?


Julia Montes: Baka hndi na. Sa friday na pasok ko.


Kiray Celis: Ako sa thursday yun lang naman laban ko sa table tennis eh.


Kathryn Bernardo: Okay. Kitakits na lang sa Monday.


Julia Montes: Sige. Kain lang ako guys. BYEEEE! :***


Kiray Celis: Me too!


Nag offline na silang dalawa tapos din naman na akong kumain ano gagawin ko ng 3 araw na hindi ako papasok.. Pumasok na lang kaya ako? Edi mas lalong boring sa school. Bahala na.


*********

VOTE AND COMMENT PO THANK YOU

Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon