From: Travis Evangelista
Hi Sela! Sorry natagalan reply ha.
Nagreply naman ako kagad.
To: Travis Melabs So Sweet <3
Naku ok l4ngz un! Aj3j3j3, anUe? Ikekwen2 ko na ba sau ung bwisit mong pinsan na nagngangalang DRAKE EVANS? Hay naku, nakakairita talaga yun eh!
-
Drake
Wala akong magawa, iniisip ko pa rin kung may kilala akong Sela. Naisip ko, baka taga-Evangelista University din kaya kaagad kong pinahanap kung may Sela ba doon sa mga info ng mga nag-aaral sa EU.
"Sir, meron pong Sela na nag-aaral sa EU. Eto po ang info niya. Gusto niyo po bang ako na ang magbasa para sainyo?"
"Wag na, ako na. Umalis ka na."
"Sige po, sir" Umalis na siya kaya sinimulan ko ng basahin ang info nung na-wrong send sakin.
Sela Cortez, 18 years old, Ulila, NBSB, Scholar.
Yun ang nakalagay sa info niya, at nung makita ko yung picture eh literal akong napangisi! Bwahahaha! Umaayon nga naman sakin ang tadhana. Eto palang Sela ay si Miss Wonderwoman? Hahaha! Mapag-tripan nga!
To: Selang Panget
Hi Sela! Sorry natagalan reply ha.
Nakarami na din ang mga text niya, hanggang sa dumating yung punto na inaantok na ko. Sasabihin ko na sana sakanyang matutulog na ko kaso nag-vibrate na naman yung cellphone ko.
From: Selang Panget
Naku ok l4ngz un! Aj3j3j3, anUe? Ikekwen2 ko na ba sau ung bwisit mong pinsan na nagngangalang DRAKE EVANS? Hay naku, nakakairita talaga yun eh!
Di ko maintindihan. Ano ba namang word yan? Tama nga ako eh! Una pa lang, alam ko nang Alien yung babaeng yun eh. Hay! Bakit ko ba sinasayang oras ko sa babaeng yun? Makatulog na nga!
![](https://img.wattpad.com/cover/15305408-288-k198940.jpg)
VOCÊ ESTÁ LENDO
He's Dating The PANGET
Humor"When we first met, I had no idea you'd become this important to me." -Drake
HDTP 2
Começar do início