MBL 38 ✏️

842 17 2
                                    

Francis' POV

Nakaupo lang ako dito sa may bench sa garden ng JLU. Masarap kasi ang simoy ng hangin dito eh. Nakaka-relax. Nakita ko naman na magkatabi si Jai at Sharlene sa may waterfalls,nagtatawanan. Masakit pero I'm already used to it. Sa araw araw ba naman na ginawa ng Diyos na makita kong magkasama sila. Simula ng makilala ko si Shar,siya na ang apple of the eye ko. Gaya nga ng sabi nila,there is no true love when there's no jealousy.

"Bro!" Ginulat naman ako nito ni Nash.

"Oh?" Tanong ko. Umupo sya sa tabi ko at tinignan din ang tinitignan ko. Ang prinsesa namin. I mean ng bayan.

"Someone told me that to make her fall inlove, I had to make her laugh. But everytime she laughs,im the one who falls inlove." Sabi nya na diretso paren nakatingin kay Shar.

"Tangina deep bro! Pero ang swerte ni Jai no? Mahal sya ni Shar." Sabi ko pagkatapos ko tumawa.

"Sinabi mo pa. Pero ako,kung san sya masaya,dun ako." Sabi ni Nash.

"Tama. Selfish not allowed." Natawa kaming dalawa sa kadramahan namin.

"Tayo nalang kaya bro?" Sabi ni Nash.

"Ulol." Mura ko sa kanya sabay pektus.

Sharlene's POV

Nakaupo kami sa waterfalls ngayon ni Jai. Nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan lang. Nakakahiya nga kase nilibre na nga nya ako ng almusal,pati ba naman lunch. Sya pa ang nagdala ng tray ng food ko at bag. Pilit ko ngang kinuha kaso mapilit ang baliw eh. May nagtext sakin kaya inopen ko.

From: Francis

Hi Shar! Andito kami sa bench ni Nash.

To:Francis

Oh sige! Punta nako jan! =))

From:Francis

Okay po. Ingat ka ha! Labsxzsx paren naman kita kaya ayaw kong masakatan ka! :P

Napangiti ako sa text nya. I was about to compose a reply to him ng tumikhim si zjai at tumingin sakin.

"Please,no texting when you're with me." Sabi nya na medyo nakasimangot.

"Huh? Eh si Francis lang naman." Sabi ko.

"Si Francis na may crush sayo." Sabi nya sabay nag-pout. Ang kyot talaga ng lalaking to.

"Hayy. Oo napo Mr. Aquino. Tara na!" Sabi ko sabay hatak sa kamay nya.

"Saan?" Sabi nya.

"Sus. Nagma-maang-maangan kapa. Eh alam kong nabasa mo na yung text ni Kiko." Sabi ko kaya natawa sya. Tumayo na kami at nilapitan na yung dalawang kups.

"Hi Bro!" Sabi ni Jai kila Nash at Kiko.

"Kumain na kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Oo. Ikaw?" Sagot ni Nash.

"Done." Sabi ko sabay ngiti.

"Good." Sabi ni Kiko sabay turo sa upuan sa tabi nya.

"Thanks!" Sabi ni ko tas umupo na.

"Asan si Alexa?" Tanong ni Jai.

"Ewan ko. Di na nga kami nagkikita eh." Sabi ko.

"Wait. Text ko lang guys." Sabi ni Nash.

"Jai. Pahiram muna si Shar ha!" Sabi ni Kiko.

"Ayoko. De joke! Sige pero alagaan mo yan Kiko ha! Balik mo agad sakin." Diniinan ni Jai yung sakin sabay kindat.

"OA mo 'tol. Jan lang kami. Una na kayo sa classroom." Sabi ni Kiko sabay alis na kami.

"Saan tayo Kiko??" Tanong ko.

"Jan lang." Sabi nya sabay turo dun sa chocolate shop sa loob ng school. Parang school premises din kase to.

"Ate pabili nga po ako ng dalawang Teddy Treats,Choco Shake chaka cupcakes." Sabi ni Francis.

***

"Wow. Chocolate!" Sabi ko pagkakuha ng order namin. Sa loob lang to ng school kaya naman hindi sya gano mukang resturant. Walang upuan kaya humanap ka ng sarili kong pwesto. Pumunta kami sa grass kung saan kaunti lang ang tao. Open field kase ito kaya mahangin at magandang mag-muni muni. Naks!

"Shar. Ang sarap no?" Tanong ni Francis habang kinakain yung Teddy Treats nya.

"Chinabi mo pa." Sabi ko habang ngumunguya.

"Alam moba comfort food ko ito?" Sabi nya.

"Talaga?! Pareho tayo." Sabi ko sabay inom ng choco shake.

"Bumili ako ng 3 box neto nung sinabi ko sayung ititigil kona ang panliligaw ko." Sabi nya sabay humiga pagkaubos ng pagkain. Naguilty ako bigla. Ewan ko ba,kahit wala naman akong ginawa feeling ko responsable padin ako sa feeling nitong isang to. Ang hirap siguro maka-cope sa pagka-basted.

"Sorry." Nahihiya kong sabi.

"Haha!! Ano kaba?! Okay lang yun. Mahal mo naman ang mahal ko eh!" Sabi nya sabay wink.

"Yuck. Mahal mo si Jai? Bromance." Asar ko. Sanay nako sa kalokohan nila eh.

"Mas mahal kopa sayu yun!" Sabi nya sabay sabing 'joooooke'.

Humiga din ako sa damuhan katabi nya. Ang gaan talaga sa pakiramdam na maraming nagmamahal sayo pero at the same time,nagpaparaya den sila. Im so lucky to have this guys.

"Shar."

"Hmm??" Tanong ko.

"Labszxz Khita." Sabi nya ng jejemon. Inaasar nanaman nya ako.

"Kiko! You know how I hate jejemons so much!" Sabi ko sabay palo sa kanya at tumawa.

"Alam ko. Kaya nga kita inaasar eh! Hahahaha! Pero love talaga kita!" Sabi nya sabay yakap sakin. Yung friendly hug lang. Walang malisya saming dalawa.

"Shar. Ang taba mo." Sabi nya.

"Hoy!" Sabi ko sabay batok sa kanya.

"Joke lang! Ito naman. Nilalambing lang kita!" Sabi nya sabay yakap ule.

"Haha!! Ikaw nga itong mataba eh!" Sabi ko.

"Aba! Nang-asar ka. For your information Ms. San Pedro ,baby fats lang yan!" Sabi nya at tinapik pa yung invisible abs niya.

"Baby Fats ang itatawag ko sayo!" Asar ko sa kanya at nag-belat sa kaniya.

"Sayo naman double chin!" Belat nya den sakin. Kaya ayun,naghabulan kami ng naghabulan. Ng mapagod kami,umupo muna kami sa grass.

"Oh!" Sabi nya sabay bigay ng bottled watter na galing sa backpack nya. Tinignan ko lang sya.

"Don't worry. Di ko pa yan naiinuman." Sabi nya sabay ngiti. Hindi naman ako laway conscious pero kase uhm feeling ko nagta-taksil ako kay ewan?

"Thanks." Sabi ko sabay kuha.

Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko at binigay sa kaniya para mapunasan ang pawis niya.

"Thanks" sabi nya sabay ngiti. Don't give meaning,mabait lang talaga ako. More on paasa. Jokeeee! Syempre parang binabalik ko lang yung kasiyahan na binibigay niya sakin.

"Tara na?" Sabi ko sabay pagpag sa palda ko. 5 minutes nalang kasi at start na ng afternoon class.

"Tara!" Sabi nya sabay tayo at akbay sakin.
--

Sorry po! HAHA!! Kung ano ano na-type ko. Na-inspire kasi ako sa comment nyo kaya agad agad akong nag update! Nakalimutan kong may plano pala ako pero don't worry,itutuloy ko den yun. Just enjoy nalang this chap! 💋

-xx

Must Be Love (JaiLene)Where stories live. Discover now