MBL 35 ✏️

866 15 5
                                    

Jairus' POV

Uwian na ng matapos ako sa pinagawa sakin ni Maam. Kinuha kona yung naiwan kong libro sa classroom ng tawagin ako ni Shar.

"Jai!" Sabi nya sabay habol sakin kaya inantay ko sya.

"Oh? Andyan ka pa pala!" Hapon na kase tas wala na masyadong estudyante.

"Oo. Inantay kita eh." Sabi nya sabay ngiti.

"Dapat di mona ako inantay. 6:00 pm na oh. Buti walang nangyare sayo." Sabi ko sabay kuha sa bag nya.

"Sinamahan naman ako ni Kiko eh. Pinauna ko lang. Kakaalis lang den. Ayaw pa nga ako iwanan eh." Sabi nya habang palabas kami ng school.

"Jai,alam mo ba? Sila Francis at Nash di na nanliligaw. Hahahah!" Masayang sabi nya sakin tas tumawa.

"Oh?! Bakit daw?!" Nagulat ako. Yung tipo kase ng mga barkada ko yung hindi sila sumusuko basta basta. Pag gusto nila,bakukuha nila. Well hindi si Sharlene.

"Eh magpaparaya daw sila sayo eh. Hahahahah!" Nice,paganun-ganun pa ang mga mokong.

"Edi wow. Hahahahahah!"

Palabas na kami ng gate ng school kaso..

*BRDGFHSHSUX* (A/N:LOL. KULOG PO YAN XD)

"Nako! Wrong timing! Deadbatt pa naman ako!" Inis na sabi ni Shar.

"Ha? Eh ako den eh. Nagpatugtog kase ako kanina dahil boring sa faculty room." Sabi ko naman.

"Eh pano na yan!?" Pasigaw na sabi niya dahil nga ang ingay ng kulog.

"Ah. Hiram tayo kay kuya guard." Sabi ko sa kanya at hinubad ko yung varasity jacket ko para di sya lamigin.

"Thanks Jai." Sabi nya sabay ngiti.

"Ano kaba? Jacket lang yan!" Sabi ko.

***

"Kuya,pwede po pa-text? Lowbatt kase kami eh." Sabi ko kay kuya guard ng school.

"Nako ijo, pasensya kana. Wala akong cellphone. Ang tanda tanda kona. Wala naman kong itetext eh." Sabi ni kuya.

"Ah ganun po ba? Salamat po." Sabi ko.

"Pano na yan Jai? Buti pala inantay kita dahil kung hindi,mag isa ka lang." Sabi ni Shar.

"Dapat nga di mona ako inantay para makapag-pahinga ka." Sabi ko sabay kurot sa pisngi nya.

"Hay nako mga anak. Halika nga at sundan nyo ako. Kawawa naman kayo. May pasok ba bukas eh." Sabi ni Kuya Guard at diniretso nya kami sa library ng school.

"Ala una pa ng hapon iyan bukas magbubukas kaya jan muna kayo magpalipas ng gabi. Ang kaso lang,baka pagalitan kayu ng mga magulang nyo." Sabi ni kuya guard.

"Hindi po sila magagalit." Ngiting sabi ni Shar.

"Ah. O sige. Pano? Kayo nang bahala at babalik nako sa gate." Sabi ni kuya.

"Nako! Salamat po ha!" Sabi ko .

"Walang anuman." Sabi nya at umalis.

Pinagdikit-dikit namin ni Shar yung lamesa para naman may mahigaan kami. Inalis nya yung varsity jacket ko.

"Ano kaba? Ang ginaw ginaw hinubad mopa. Nakabukas kaya yung aircon." Sermon ko sa kanya habang nagpupunas ako ng panyo.

"Oo nga. Eh iyo kaya to." Sabi nya.

"Don't worry. Okay lang ako basta okay ka."

"Napaka mo ha!" Sabi nya sabay palo sa braso ko.

"Prinsesa kita eh!" Sabi ko. Humiga na kami sa mesa.

"Jai,bakit kaya pag magkasama tayo naiistranded tayo?" Sabi ni Shar. Natawa naman din ako kase tama nga naman.

"Nyek?! Di naman. Edi sana laging umuulan." Biro ko. Lagi kase kami magkasama eh.

"Haha! I mean,pag gabi. Tapos lagi pa dahil sa ulan." Sabi nya habang nakatingin sa kisame.

"Kase,meant to be daw tayo kaya gumagawa ng paraan ang ulan para naman makasama ng prinsipe ang prinsesa nya." Sabi ko sabay ngiti.

"Hahahahaha! Anong tingin mo satin? Royal family?!" Tanong nya.

"Uy ikaw ha! Di ba pwedeng royal couple lang? Family agad?! Well,sabagay,tayo din naman talaga sa huli. Kaso inadvance mo lang. Ginawa mo na akong daddy!" Biro ko.

"Hoy! Di ah!" Sabi nya.

Nagkwentuhan lang kami tapos maya-maya,wala nang sumasagot sa tanong ko. Napatingin ako sa kaniya at natutulog na kaya naman napangiti ako. Binigay ko yung bag ko sa kaniya para may ma-unan siya tas hinalikan ko siya sa noo at naghanda nadin para sa paagtulog.

--

Sorry po talaga sa LATE LATE LATE UD!! Kase may gumagamit netong iPad ko eh. Eh nakalimutan kona yung password nitong wattpad ko kaya di ako maka-open sa iba. Mianhe talaga. Anyway,thats our chap 35! Hope you like it!

-xx

Must Be Love (JaiLene)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang