MBL 34 ✏️

986 16 7
                                    

Sharlene's POV

Mag-iisang linggo nakong nililigawan ni Jai. At mag-iisang linggo naden tumigil sa kakabigay sila Nash at Francis ng chocolates,teddybears,flowers at maging mga surprises. Ewan ko ba. I feel so loved. Feeling ko,mahal na mahal ako ni Jai. Nung last week habang nagmu-muni muni ako,na-realize ko na iisa lang kami ng nararamdaman.

~text~

From:Francis<3

Hi prettiest lady in the world! Meet us at the caf later. :*

Ay galing pala kay Francis. Haha!! May Kiss sign pa. Loko talaga.

To:Francis<3

O sige ba! Pero bakit "us" ?

Nagreply nako. Maya maya,tumunog ule.

From:Francis<3

Kami nila Nash. O sige. Tago mona cellphone mo. Baka makita tayo ni Maam. Haha!! XD

Di ko na sya nireplyan. Mamaya ko nalang ire-rename ang pangalan ni Francis sa cellphone ko. Aalisin ko na yung puso. HAHA!! So ayun,boring lang. Nagturo si. Maam ng Trigo.

*lunch bell rings*

ATLAST! Grabe gutom na gutom na talaga ako.

"Shar! Tara sa caf?" Aya sakin ni Jai habang inaayos ko yung gamit ko. Nakasanayan na kase namin magsabay kumain eh.

"Sige ba-" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kase lumapit samin si Maam Belo.

"Jai,may iuutos lang ako sayo about sa student council. Hindi kase pwede dun si Ms. President kase may inayos na sya nung labor day. Kaya pahinga na nya." Sabi ni Maam. True that. May ginawa nako nung labor day pero kung makakasama ko si Jai sa trabaho mas gugustuhin kong kami nalang dalawa ang gumawa.

"A-ah,sige po Maam. Susunod napo ako." Sabi ni Jai tapos umalis na si Maam.

"Pano bayan? Di muna ako sasabay sayo." Sabi ni Jai na malungkot.

"Ano kaba? Okay lang. Sige dun kana. Bye!" Sabi ko tas kurot sa pisngi nya.

"Ingat ka ha! Sabihin mo pag may lalaking tumingin sayo. Bubugbugin ko." Sabi nya tapos nag-wave na ako.

Ang baliw talaga ni Jai. Haha!! Kaya mahal ko na yan eh! 'Pano bayan?! Ako ang panalo. Mahal ka nga ni Jai at mahal mo sya!'. Hay..Oo na brain,ikaw na panalo. Sana di mahirap ang ipagawa nila kay Jai. Anyway,nasa caf nako. Asan na kaya sila Franci-

"Huy!" Sabi nung pamilyar na boses na alam kong si Francis na sumundot sa tagiliran ko.

"Haha! Ano ba?" Sabi ko tapos umupo na kami ng table.

"Kain na muna tayo oh." Sabi ni Nash sabay lapag ng order nilang pagkain para sa kanila at sakin.

"So baket nga?" Sabi ko habang ngumunguya. Oo kaen agad. Wala nang kamustahan pa. Gutom eh sensya hahahah!

"Don't talk when your mouth is full." Paalala ni Paul. Hahaha kala mo talaga eno.

"Haha!! Sareh!"

"Shar. Musta na kayo ni Jai?" Tanong ni Francis sakin tapos napatingin din yung dalawa.

"So far. So good." Sabi ko sabay ngiti.

"Aysus! Kinikilig. Mukang tama ang desisyon naten Francis." Sabi ni Nash na parang nang-aasar.

"Anong desisyon?" Sabi ko. Uminom muna sila ng tubig pagkaubos ng food nila at nagsalita na si Kiko.

"Papalayain kana namin Shar." Ngiting sabi ni Francis matapos humugot ng hininga mula sa kaibuturan ng ewan.

Must Be Love (JaiLene)Where stories live. Discover now