MBL 30 ✏️

1.1K 19 3
                                    

Jairus' POV

Napagdesisyunan na lang naming lahat na umuwe na. Si Shar,kasabay si Francis. Si Paul at Mika. Nash at ako dapat. Kaso pinasabay na ni Alexa si Mich at Ella samin ni Nash =____= Nauna akong hinatid si Nash at sumunod si Mich at Ella. Doon daw magi-sleepover si Mich kila Ella dahil bawal umuwe ng nakainom.

Naligo muna ako tapos humiga na sa kama. Naisip ko nanaman yung pagwo-walk-out ni Shar. Hayyyyy. Bat ba kase ginawa yun ni Ella?? Kakausapin ko na nga lang bukas. Sa ngayon,kailangan ko na matulog dahil 3 oras nalang ang itutulog ko. Baka maging walking most handsome zombie ako bukas. Naks ;)

Ella's POV

Habang kumakain kami sa lamesa nila mama,Mich at ako,biglang nagsalita si Mama.

"Ella,who's the boy who bring you and Mich home kagabi?" Tanong ni Mommy.
"Ano po. B-boyfriend ko po." Pagsisinungaling ko. Oo masyado pang maaga para sabihin to,pero i LOVE Jai. Simula nung lagi kaming nagdadamayan. Nahulog nako sa kaniya.
"Oh? Eh bakit di man lang nagpakita sakin?? He didn't even introduce himself to me." Sabi ni Mommy at sumbo ng steak.
"Eh kasi Mommy,late naden kagabi. Tsaka kahapon ko lang sya sinagot eh. Pero mommy.mas male-late kami kung iinterviewhin mo pa ako kaya bye po.'' Sabi ko sabay hatak kay Mich at kiss sa cheeks ni Mommy.
"Weh?! Diba di mo naman bf si pogi?" Tanong ni Michelle ng makalabas na kami,
"Oo." Sagot ko.
"Eh bakit sinabi mo kay tita na boyfriend mo siya Ano to may hangover ka?" Tanong ni Mich.
"Eh kase,wala nang magagawa si Jai pag sinabi ko kay Mama na sya ang bf ko. You know me Mich,I always get what I want." Sabi ko.
"Don't count Francis." Sabi nya habang naglalagay ng lipstick. Napahinga nalang ako ng malalim. Is she really my cousin?? Kala ko ba susuportahan nya ako dito? Bakit inaasar nya pa ako? =_=

Sharlene's POV

Maaga akong dumating sa school. Wala akong tulog eh. Wala na den kasi akong balak. Baka late pako magising. As usual,pagkababa ko sa kotse ko,all eyes are on me. Wala eh. Tapos may magsisilapit nanaman na mga boys na magbibigay ng kung ano anong mamahalin. Kala naman nila madadaan ako dun. Tapos yung ibang girls na nakikipag-plastikan para sumikat den sila. If I know,kinukulam na nila ako sa isip nila. Hayy. Diretso na nga lang ako ng classroom. Pagkapasok ko,ako palang. Salamat naman at mapapahinga ang uta--

"Morning Shar." Bati ni Andrei sabay baba ng bag nya sa tabi ko. Seatmate ko sya remember?? Di ko siya pinansin. Baka akala nya nakalimutan ko na yung ginawa nyang pagpilit sakin?!
"Shar. Pwede ba kitang makausap? Please??" Yan nanaman sya. Um-oo nalang ako para matapos na to.

Pumunta kami sa corridor sa tapat ng room.

"Shar. Alam kong galit ka paren sakin. Kase tingin mo,di ko nirespeto ang opinyon mo. Look,that time,gustong-gusto talaga kita mapasakin. Kase crush na crush kita. Mahal na nga eh. Pero aiguro kala ko lang na mahal kita. Alam mo yun? Yung true love? Siguro,kaya ko lang nasabi na love kita kasi,ang ganda mo,matalino,MEDYO mabait, tapos you are the every boys dream sa campus naten. Pero totoo to,simula nung sinuntok ako ng kaibigan mong kaporma si Justin Bieber,natauhan talaga ako. Sabi ko mali. Mali na di irespeto yung opinyon mo. Syempre binasted moko nun. Ikaw ang first time na gumawa sakin nun kaya sobrang nasaktan ako. Lagi akong umiinom at nagba-bar. Pero it's not what you think na may ka-table akong prostitute ha. HAHA!! Wala. Gusto ko lang makalimutan yung ikaw at ginawa mo sakin. Pero sabi nga nila,ang taong mahal mo,dadating sa pinakamalungkot na parte ng buhay mo. Then,Angel Sy is always there for me. Na-realize ko na sa kanya ko naramdaman ang TRUE LOVE. Kaya I just want to say thank you and sorry. Thanks you because you made me realize what true love really means. And sorry,sorry sa lahat." Hayyy. Nag-speech pa ang loko. Buti naman at hindi nako maiilang sa kanya.

"You dont have to thank me Andrei. You. You yourself found the meaning what true love means. Naging instrumento mo lang ako. And your apology? It is accepted. " Sabi ko sabay ngiti.

Must Be Love (JaiLene)Where stories live. Discover now