MBL 8

1.9K 27 1
                                    

Jairus' POV

Andito ako ngayon sa bahay nila Shar. May practice pa kasi kami ng sayaw eh. Yung slowdance na di namin makuha kuha. -,-.

"Shar! Kala ko ba ipapabago mo yung music natin kay Maam?" Tanong ko.
"Oo nga! Napabago ko na po!" Sabi nya.
"Eh anong music naten?" Paangungulit ko.
"Hahaha!! Ewan ko eh! Isip ka." Sabi nya.

Kumuha muna sya ng merienda namin sa kusina nila. Pagbalik nya..

"Shar! Anong gusto mo? Diwata ni Jireh Lim o yung Pangarap Lang Kita ng Parokya?" Tanong ko. Isa kasi yun sa mga paborito ko.
"Uhmm,mas gusto ko nalang yung diwata." Sabi nya sabay baba ng tray sa side table.
"So ano? Tara! Practice na tayo." Yaya ko sa kanya.
"Wait. Merienda muna tayo. Ansakit kaya ng tyan ko. Hahah!! Ampogi naman kasi ni Francis Magundayao eh!" Sabi nya na prang baliw na nakangiti.
"At naalala mo pa yung buong pangalan ha?! Sumbong kita kay Bro!" Sabi ko sa kanya habang tumatawa. Nag make-face lang naman sya.

Kumain nalang kami. Pagkatapos nun,nagpatugtug na sya.

Ilang oras pa lamang,ng tayo'y nagkita.
Sayong mga yakap,agad nangulila.
Ikaw ang sigla na humahaplos saking buhay pag nalulumbay..

Ang yong mga labi,humahalimuyak.
Pag nasisilayan,parang ginto at pilak.
Ikaw ang diwatang umapak sa lupa,at wala nang papantay..

Tumatanaw sayo ang langit,ang yong ganda'y kaakit-akit.
Pangarap ko'y ikaw.
Dalangin ko'y,mahagkan ka. Sa paglipas ng panahon..

Tapos yun,nagtuloy-tuloy naden yung kanta. Pagtapos ng kanta,tumayo na kami at nagpraktis. Inulit nya yung kanta.

Hinawakan ko yung bewang nya at nag-swing na kami. Ewan ko kung bakit ganito yung nararamdaman ko,habang nagsi-swing kami,yung puso ko,ang lakas ng kabog. *dugdugdugdug*

Nang sa dulo ng part yung kanta,inikot ko sya at pagkaikot nya,nagkatapat yung muka namin. Wrong timing naman yung kanta dahil nasa huling part na kame. Pagkasabi ni Jireh Lim ng 'MAHAL KITA' sa huling part. Nagkatitigan kami. Feeling ko,yung puso ko,tumigil sa pagkabog. Ang korni pakinggan pero kung kayo yung nasa sitwasyon ko,di kayo makokornihan.

Thanks God at dumating yung maid nila at sinabing handa na yung dinner nila. Nagkaiwasan kami ng tingin ni Sharlene. Siguro may isang minuto kaming nakatingin sa isa't-isa kanina.

"Jai,wait lang ha! Shower lang ako. Punta ka na sa kusina,dun muna ako intayin." Yun lang ang sinabi nya at tumalikod na. Kahit nakangiti sya,alam kong nahihiya sya.

Pagpunta ko sa kusina nila,umupo muna ako dun sa may bar since wala pa si Shar. Nakipagkwentuhan din ako dun sa isang katulong na nagtitimpla ng juice.

"Manang,nasan napo ang mama o kaya papa ni Shar?" Tanong ko. Wala pa kasi sila sa bahay.
"Pareho silang nasa UK. Pinamamalakad dun yung kompanya nila." Sabi ni Manang.
"Ah ganun po ba? Eh manang bakit daw di dun si Shar nag-aral?'' Tanong ko ule. Sensya! Curiosity Kills. =))
"Yan kasing si Shasha,daddy's girl. Kaya pag sinabi nyan ayaw nya,ayaw nya. Eh ayaw nya daw dun sa UK. Edi nasunod sya." Dagdag pa ni Manang.
"Eh sorry po ha! Kung masyado po akong matanong. Alam nyo na po,curios lang." Sabi ko kay Manang.
"Okay lang yun iho. Oh ayan na pala si Shar." Sabi ni Manang at pumunta na ng garden.

Umupo na kami ni Shar sa table,at buti naman,bumalik kami sa dati. Nagkukulitan. Mas okay nato no! =)) Pagtapos ko kumain,tumingin ako sa watch ko, 8:00 pm na. Buti nalang wala akong curfew kasi si mom at dad nasa America naman.

"Shar,uwi nako. Gabi na eh. Thanks sa dinner ha!" Sabi ko.
"Oo sige!" Sabi nya.

Papalabas na sana ako ng bahay nila ng. UH-OH :||

-Miss A,signing out

Must Be Love (JaiLene)Where stories live. Discover now