Kline's Letter (Dear Mama)

2.5K 118 4
                                    

Dear Mama,




                               Mahal na mahal po kita mama, sana po kapag nabasa mo ito nakangiti ka at hindi na umiiyak. Nasasaktan po ako kapag nakikita kitang umiiyak at naiinis po ako sa sarili ko dahil ako ang dahilan. Mama sorry po sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan, sorry po kung minsan pasaway ako at laging nagpapawis. Maraming salamat mama kasi ikaw ang naging mama ko, kahit po may sakit ako hindi mo pa rin ako pinabayaan, kahit po lagi kang umiiyak nang dahil sa akin mahal na mahal mo pa rin ako, gumagawa ka po ng paraan para gumaling ako, mama maraming salamat po sayo dahil hindi ka sumuko sa akin. Mamimiss kita mama.



                                Kung magkakaroon po ako ng pangalawang buhay sa ibang katauhan o ibang pamilya 'man gusto ko pong ikaw pa rin ang mama ko, gusto ko po ako pa rin ang Kline mo. Mama, huwag ka na pong iiyak dahil lagi po akong nasa tabi mo, ako po ang angel mo, hindi po kita pababayaan at lagi po kitang babantayan.



                                Siguro po kapag nabasa mo na ito nasa langit na po ako at nakita na si Papa Jesus, huwag ka pong mag-alala sa akin dahil dito sa langit perpekto po. Sorry po kung minsan nakakalimutan kong mama kita nang dahil sa sakit ko, sorry po mama. Huwag ka po mag-alala hindi ko po nakakalimutang mahal na mahal kita.



                                Halos dalawang taon ka pong nagtiis nang dahil sa akin, salamat po mama sa lahat. Mahal na mahal po kita mama. Lagi ka pong ngumiti mama dahil kapag ngumingiti ka napapangiti na rin po ako.


                                Mahal na mahal po kita lagi mo po iyan tatandaan. Mamimiss po kita mama. Ayoko pong tapusin ang sulat na ito pero kailangan po, mahal na mahal po kita mama. Mahal na mahal po kita.




I love you Mama,

Kline

Dear Papa JesusWhere stories live. Discover now